Kabanata 22: Netflix and chill?
Warning: Some scenes are not suitable for young readers or sensitive minds. Read at your own risk.
Thomas Moore once said, We need people in our lives with whom we can be as open as possible. To have real conversations with people may seem like such a simple, obvious suggestion but it involves courage and risk.
Thomas Moore is one of a great author. May nabasa na din akong akda niya at masasabi 'kong maganda at malinis ang pagkakasulat niya.
Mahilig din naman akong magbasa ng mga international books, hindi nga lang halata.
"Congrats guys!"
Sobrang saya ko ngayon dahil maayos at malinis ang pagkakagawa at pagkaka explain namin ng research namin. Nung una akala ko talaga hindi gaanong kaganda 'yung research namin but it turns out na kami 'yung may pinakamagandang research at mataas ang nakuha naming grades.
Mapapasabi kanalang talaga ng Salamat, Google.
Hindi naman ako impokrita kung hindi ko aaminin na kumuha rin ako ng kaunting pandagdag sa research. Hindi naman sa lahat ng oras alam natin yung sagot minsan kailangan natin si kumareng google.
"Sana all naka kuha ng 90 na grade."
Inirapan ko ng mata si Amanda na obvious namang nagpaparinig. Inimis kona ang gamit ko at sabay kaming tatlo na lumabas.
"Buti nalang talaga napunta ako sa tamang groupo." si Amaris na tumatawa.
"Kainis nga, e! Kapal ng mukhang magreklamo ng mga kagroup 'ko kesyo bakit 80 lang daw nakuha nila at ako ay 85 kung hindi ba naman sila tatamad tamad edi sana parehas lang kami ng grades." si Amanda.
"Daming alam buti nga naka 80 pa sila partida puro reklamo lang sila nung ginawa namin 'yung research. Tsk." she tsked.
"Kalma puso mo.." Pabiro 'kong hinimas ang likod niya. Parang anytime sasabog siya sa inis.
" 'Te, birthday ni April sa sabado invited tayo. Punta tayo?" Alanganing sabi ni Amaris. April? Ngayon ko lang narinig ang pangalam niya. So, basically hindi ako sasama.
Siniko ako ni Amanda. "Sama tayo!"
Umiling ako. "Kayo nalang. di 'ko naman kilala 'yon. Nakakahiya kung pupunta ako don tapos hindi ko naman kilala 'yung celebrant."
Totoo naman. Bakit ako pupunta doon kung hindi ko kilala o ka close man lang yung April. May hiya din naman ako kahit pa paano. konti nga lang.
" 'Di yan! Chinat pa nga ako. Sabi isama ka daw." hinarap sa akin ni Amaris 'yung screen ng cellphone niya. Chat nilang dalawa 'yon ni April.
"'Yon naman pala, e! Sama kana para naman mabawasan 'yung stress natin dito sa school. Malapit na recognation natin."
"Oo nga. Saka kasama din si Cyrus don yiee!" Pang-aasar ni Amaris at sinundot ang tagiliran ko. Napakislot ako.
"Cyrus? As in Cyrus Dominguez? Bakit anong meron sakanila?" usisa ni Amanda.
"May gusto sakanya si Cyrus, at isa pa." she cleard her throat. "He can see his future with Amara, haha!" she even mimicked how Cyrus talk.
Hinampas ni Amanda ang braso ko. "Malandi ka! Bakit hindi mo agad sinabi sa'kin?"
I scoffed. "Hindi kanaman nagtanong."
She pouted. "Sa bagay..."
"You should give him a chance, Amara. He's a good catch. Gwapo na matalino pa. San ka pa? E 'di kay, Cyrus Dominguez na!" Ginaya pa ni Amaris 'yung sa commercial. Parang tanga.