Hi! I just published 'LA TRINIDAD SERIES 2: Sweetest Drug' you can check it on my works.
Happy 10k reads CBS🥺 love u all! btw my next ud would be sunday.
---
Kabanata 36: Thing
Sinundan ko ang iyak na naririnig ko. Abot kaba ang nararamdaman ko ngayon. Paano ba nakalabas ang batang 'yon!
There in the kitchen I saw Annabelle who was comforting Saint.
"Saint!"
Nang makita niya ay yumakap siya kay Annabelle at umiiyak na umiiling.
"Saint." I called for the second time.
"Akala ko ba susunod ka kay Mama? Madali lang naman Saint, e. Ang sabi ko wag lalabas dahil delikado! Kapag nakita ka nila baka palayasin tayo rito!" Hindi ko mapigilang hindi magtaas nang boses kaya lalo siyang naiyak.
May bakas pa ng cake sa katawan niya. Halos mamula na ang buo niyang mukha sa kakaiyak.
"H'wag mo munang pagalitan. Baka magkasakit pa 'to kinabukasan kakaiyak. Hayaan mo na. Bata lang naman.." si Annabelle.
I scoffed. "Alam ko. Pero kailangan ko siyang pagsabihan para matuto sa mga pagkakamali niya. Ikaw na nga ang nagsabi 'di ba? Dapat mag-ingat kami."
"Oo pero hindi naman kasalanan nang bata!"
My forehead creased. "Anong sinasabi mo?"
Bumuntong hininga siya. "Kasalanan ko. Kanina kasi nung pumasok ako sa kwarto nakita ko siyang nakatanaw don sa bintana. Naawa ako. Kaya ang sabi ko hindi ko i-lo-lock 'yung pinto basta wag lang siyang lalabas. H-Hindi ko naman alam na lalabas pala siya.."
My lips parted.
"Nakatanaw sa bintana?" Takha 'kong tanong.
"Pinapanood niya 'yung party ron sa bintana. N-Naawa naman ako.. gusto raw niya kasing makita 'yung cake kasi hindi pa raw siya nakakatikim ng c-cake.."
"Ang sabi ko naman wag siyang lalabas basta't hindi ko iiwang naka lock ang pinto." she added.
Napaiwas ako ng tingin. Parang biglang nalusaw ang galit ko sa dibdib. Saint.. he probably got excited when he saw the cake that lead him to come out.
Natigil ang nguyngoy ni Saint. Nakita ko nalang na nakatulog na pala siya sa balikat ni Annabelle.
"Annabelle, anong nangyari!"
Humahangos na nagpunta saamin si Jirro, 'yung lalaking driver na kalaunan ay naging ka close ko rin dito. Siya yung lalaking kasama ni Annabelle sa may terminal sa pagsundo saamin ni Saint.
"Sorry talaga. Kasalanan ko kung bakit nakalabas si Saint." malamyos na sinabi ni Annabelle.
"No... Ang ibig kong sabihin wala kang kasalanan. Kasalanan ko. Sa umpisa palang dapat hindi na ako tumuloy rito dahil gulo lang ang dala namin dito."
Kita ko ang bigla nilang pagkatarantang dalawa.
"Aaminin ko ang lahat kay Manang Cecil."
"Huh? Pero tatanggalin ka kapag ginawa mo iyan!" si Jirro.
Ngumiti ako. Alam ko.. At isa pa hindi ako dapat nandito. Lalo na't iisa lang ang ginagalawan namin.
"Alam ko. Nakapagdesisyon na ako. Ayaw ko rin namang tinatago ang anak ko.. Kaya aalis nalang kami."
"At h'wag kayong mag-alala aakuin ko ang kasalanan. Umpisa palang dapat hindi na kayo nadamay dito." I added.
"Nababaliw kana ba? Akala ko ba kailangan mo nang trabaho? P-Pwede naman nating itanggi kay Manang Cecil, E! A-Ako ang bahala!" sabi ni Annabelle.