Kabanata 17

526 135 2
                                    


Kabanata 17:Arcadia the bitch

Nakatitig ako sa cellphone ko na nasa kandungan ko bago binagsak ang likod ko sa malambot na kama. Kakatapos lang ng usapan namin ni Dad dahil sinabi n'yang uuwi silang dalawa ni mom five days from now para sa debut ko. Ang bilis ng panahon. Hindi ko namamalayan na magi-isang taon na pala ako dito. Ayoko nga sanang i-push 'yung pag punta nila rito dahil baka mamaya masundan sila ng mga paparazzi.

Lalo na't mainit pa rin kami sa mga bali-balita. Pero ayaw magpa-pigil ni mom at gusto talaga n'yang magpunta dito para i-celebrate ang 18th birthday ko. Nga lang mga relatives at ibang mga kakilala nila Dad at Mom dito sa La Trinidad ang iimbitahan nila.

Actually... If I had to choose if I have to continue my debut, my answer is no. Gusto ko rin naman, e.. Kung maayos nga lang ang sitwasyon namin ngayon.. Madami kasing naglalaro sa isip ko. Paano kung sa gitna ng pag punta nila dito ay mapahamak sila? My father is Don Alfonso Vergara, And he has many enemies in the business world especially in our current situation. Many want to overthrow him in his position.

But being a Vergara, even when he fell he was able to stand on his own two feet. And I was scared when the time comes that they would no longer be by my side to support me. Can I stand on my own two feet just like my father?

I took a deep breathe as I scanned my cellphone to pick a gown for my debut. Mommy immediately looked for good designers for my debut. As in she has many hired designers from different countries so I can choose what I want.

I smiled. Who wouldn't want to experience a debut? I mean hell, everyone's dying to experience a debut. were you can experience the 18 candles, you can dance in the middle and people will look at you with admiration in their eyes.

Malungkot nga lang sa sitwasyon 'kong 'to.

"Ganito po ba?" I asked as I scrubbed the body of the horse. His tail moved as he felt my hand caress his body.

"Ganyan nga senyorita, h'wag mo nga lang masyadong pakadiinan ang paghagod ng sponge sa katawan ng kabayo dahil sa lahat ng kabayo dito ay siya ang may pagka sensitibo ang balat.."

I opened the hose and wet my hand. I dip the sponge in thw soapy water and rub it on the horse's coat.

"Amara na lang po.."

Masyado kasing pormal kapag tinatawag nila akong senyorita sa loob at labas. Saka parang ang pangit tignan kung yung matanda pa ang gagalang sa akin imbes na ako.

"Ah...eh.." napakamot pa ito ng batok.

"'Kung iniisip mo pong mapapagalitan ka ni Dad, h'wag n'yo na pong isipin 'yon. Ako nang bahala kay Dad.. malakas ako don, e." I joked, still rubbing the horse's coat.

Napakamot ito ng ulo. "Kung 'yang ang iyong gusto hija... O siya sige ako'y mag papatuloy na sa pagpapakain sa iba pang mga kabayo. Tawagin mo nalang ako kapag may kailangan ka."

Nagpaalam na siya sa akin. Ngayon ko lang nalaman na masaya palang magpaligo ng kabayo. tumalsik sa akin ang tubig dahil sa biglaang pag wasiwas nito ng kanyang katawan. Pero imbes na mainis ay natuwa pa ako lalo.

Naisipan 'kong sumilip dito sa Rancho dahil hindi ko pa ito napupuntahan simula ng dumating ako dito.. Kasi madalas ako sa sakahan tumambay kaya naisipan ko na dito naman sa Rancho! Sabi ko nga sisilip lang ako pagkatapos ay uuwi na rin pero nung makita ko si kuya josef na nagpapaligo ng kabayo ay parang naging interisado ako.

Nagtanong-tanong ako ng ilang mga bagay sakanya tulad kung paano paliguan 'yung kabayo. Dapat ba madiin o sakto lang ang pagkuskos sa balat nila? natatakot kasi ako baka mamaya bigla nalang akong sipain kapag hindi maayos 'yung pagkuskos ko. Kung ginagamitan ba sila ng shampoo? I know it's a stupid question.. pero nadala lang talaga ako kanina. Kaya kung anu-ano na ang naitanong ko.

LA TRINIDAD SERIES 1: Captivated By Seven ❘ ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon