Kabanata 33

266 15 6
                                    


Kabanata 33: Life and Death

We often take our lives for granted especially when we're young. We think we're going to live forever. But, from one moment to the next, nobody knows what will happen. A person could be alive and well one moment and dead the next, this shows the value of life and the uncertainties of death. Death is the “great unknown,” and that's why it's so frightening.

This fear and suffering keeps us from thinking seriously about death as it impedes our happiness. We need to know how to do this, how to live in freedom, not being imprisoned by the future and not being carried away by things in the present.

Death is not an opposite of life, but a part of it.

Everything happened so fast. Nagising ako na madaming nakakabit na tubo sa katawan ko. Hinang-hina ako nang mga oras na 'yon. Ang una ko agad na hinanap ay sila mom at dad pati na rin ang kapatid ko. But the doctor sudden announce makes my heart shattered into pieces.

They didn't survive. Ang sabi sa akin nang doktor ay masyado na daw huli nung ihatid kami sa hospital dahil masyadong madaming dugo at mga sugat ang natamo ngunit ang sabi nang iba ay ang swerte ko daw dahil nakaligtas ako.

Nagwala ako no'n. Hindi ko matanggap. Bakit sila nawala saakin nang gano'n kabilis? Hindi ko kaya na wala sila sa tabi ko. Paano ako tatayo sa sarili kong paa kung wala na sila? Bakit pa ako nagising kung puro pasakit ang nararamdaman ko..

Hindi ko pa pala kaya na wala na sila. Paano na ako kung wala sila? Parang hindi ko yata kaya..

At nung araw na nagising ako ay ang pag kapansin ko sa malaki kong tiyan. Akala ko nung una ay may sakit ako. Akala ko may cancer ako. Tuwang-tuwa ako dahil baka makasama ko rin sila sa langit.. Pero iba pala ang akala ko.

Ang sabi nang doktor ay limang buwan na ang tiyan ko. Buntis ako. Sa sobrang gulat ko hindi ko alam ang isasagot ko. Anong gagawin ko sa batang 'to? Ako mismo na ayaw nang mabuhay ay magkakaroon nang anak..
Mag-isa lang ako paano ko ito bubuhayin? Maraming katanungan sa utak ko.

Pinagdududahan ko ang sarili ko. Magiging mabuting ina kaya ako sa anak ko? Pero nagulat nalang ako nang may dumalaw sa akin kinabukasan.

Jessica ang pangalan niya. Siya ang dahilan kung bakit nabubuhay pa ako. Base sa kwento niya naglalakad siya no'n nang makita niya ang sasakyan namin na halos sira na. Ang sabi niya pa ay kitang-kita niya ang magulang at kapatid ko na punong-puno nang dugo ang katawan.

That day I cried. Umiyak ako sakanya. She saved me and the little one inside my womb. Sinabi niya rin na tutulungan niya ako sa abot nang makakaya niya. Jessica became my friend. Lagi niya akong dinadalaw sa hospital na may dalang pagkain.

Dahil rin sakanya ay nalaman ko kung saan nakalibing ang puntod nila mom, dad at Amaris. Dahil sakanya ay nadalaw ko sila kahit sandali. Ilang araw ang lumipas nararamdaman ko ang pahina nang pahina ang pandinig ko.

Naalarma ako dahil don. Hindi ako masyadong makarinig di tulad nang dati. Kailangang malakas ang sinasabi nang kausap ko para marinig ko pa. Minsan ay maayos ang pandinig ko minsan naman ay hindi. Tinulungan din ako ni Jessica tungkol don.

"Hija, sorry to say but.. you're suffering from post traumatic hearing loss. After a head injury, eardrum or ossicular chain damage, disruptions of intralabyrinthine fluid, cochlea, or 8th nerve may be damaged resulting in hearing loss..."

"Pero dok nagagamot naman po 'di ba?" tanong ni Jessica.

The doctor nodded. Nakahinga ako nang maluwag.

"Yes. treatment usually includes a combination of hearing assistive devices, medication, and counseling about prognosis. Occasionally, surgery may be recommended." Natigilan ako. Surgery..

LA TRINIDAD SERIES 1: Captivated By Seven ❘ ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon