CHAPTER 25

908 23 1
                                    


Truth

Papunta kami ngayon sa location na ibinigay ni Z para sa christmas party kuno na sinasabi niya. Kahapon ay inayos ko ang application form ko upang maipakita ito kay Ara ngayon.



"Lara!" Masayang sabi ni Z ng makita ako.



"Belated Merry Christmas" sabi ko saka bumeso sa kaniya.




"Belated Merry Christmas! Pasok kayo"aniya saka kami pinatuloy sa bahay.




"Kanino bahay to?" Tanong ko kay Z ng makapaglibot sa bahay.




"Ha? Ah.. Nirentahan namin" sabi niya kaya naman ako napatango. Tumuloy na kami sa garden kung nasaan ang iba. Nagbatian kami pagkatapos ay nagpatuloy na sila sa chikahan.






"Ara, ito nga pala 'yung application form ko" sabi ko sabay abot sa kaniya ng envelope.



"Application form? Naghahanap ka ng trabaho?" Tanong ni Autumn saka niya kinuha ang envelope ko at binuksan.



"Anong meron?" Tanong Lia.



"Oo nga, bakit bigla kang naghahanap ng trabaho?" Tanong din ni Z habang tinitignan din ang hawak na application form ni Autumn.


"May cancer si Mama" diretsong sabi ko. Napaangat silang lahat ng tingin. Gulat na ewan ang makikita mo sa ekspresyon ng kanilang mukha.




"Hoy gago, pangit ng joke mo ha" ani Z. Hindi ako kumibo, seryoso lang akong nakatingin sa kaniya.



"T-Totoo?" Hindi makapaniwalang tanong niya kaya naman ako tumango.




"Stage three" sabi ko pa. Nagsitinginan naman sila na para bang naluluhang ewan ang kanilang mga mukha.


"Anong matutulong namin?" Tanong ni Autumn.



"Wala, ano ba kayo! Problema namin 'to no. Atsaka inumpisahan na nila ang pag chemo kay mama kahapon"



"Hoy Ara! Ipasok mo tong si Lara sa Club nyo!" Utos ni Z.




"Ay sis, desisyon ka? Pero ipapasok ko naman talaga siya" ani Ara.




"Bibisitahin ko sa 30 si Tita, dala akong prutas" ani Autumn.




"Ako den, magdadala din ako ng melktea" gatong ni Lia sa kaniya.




"Syempre hindi mawawala yung borger atsaka fries" ani Z kaya naman sila nagtawanan. Mga hayop talaga 'to.






Nagpatuloy pa kami sa Christmas party na 'to. May pa laro pa sila at exchange gift. Anong oras na din kami natapos at sa hospital na ako nagpababa kay Chase dahil ako ang magbabantay kay mama ngayon.







Nang makarating ako sa kwarto ni mama ay mahimbing siyang natutulog. Pinipigilan ko ang luha ko habang tinitignan ang kabuuan ni mama. Sobrang putla na niya ngayon at unti-unti na ding nalalagas ang kaniyang buhok.





Nang mag madaling araw ay nagising ako dahil pumasok na ang doctor at oras na para ma chemo ulit si mama. Ayokong sumama sa pagchemo ni mama pero wala si papa ngayon dahil may trabaho siya kaya ako lang ang kasama ni mama.




Nang matapos siyang i chemo ay parang lantang gulay si mama habang nakahiga sa kaniyang kama. Dinalhan ko siya ng pagkain ngunit ang sabi niya ay wala daw siyang gana kaya hindi ko na pinilit at hinayaan na lang siyang magpahinga. Ilang araw ng walang ganang kumain si mama. Ilang araw na din ang pagsusuka niya kaya mas lalo kaming nagaalala.





Whispers of the Rain (Paraluman Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon