CHAPTER 21

959 29 3
                                    


Garter Toss

"Bakit ka nandito?" Nagtatakang tanong ko kay Z.



"Baket? E imbitado din ako e" sagot niya saka umupo sa tabi ko.



"Kasama mo ba si Levi?" Tanong ko kay Z.



"Ha? Hindi ah, kasama ko parents ko" sagot niya bago uminom ng tubig.



"Diba si Xena 'yon?" Napatingin naman ako sa likuran ko kung saan siya nakaturo.



"Xena!" Tawag ni Z dito. Napatingin naman ito samin saka lumapit.



"Bakit ka nandito?"



"Sinama ako nina mama" sagot niya ng makaupo "Nakita ko kanina sina Autumn at Ara" dagdag niya.




"Ako den parang nakita ko kanina si Lia" sambit ni Z. So nandito kaming lahat?




"Tara hanapin natin sila" aya ni Z. Sumang ayon naman kami saka na nagsimulang mag hanap.




"Hoy!" Tawag ni Z ng makita sina Autumn, Ara at Lia na magkakasama.



"Nandito din kayo?" Takang sabi ni Autumn.



"Malamang kaya mo nga kami nakikita diba" sambit naman ni Z saka nanghila ng upuan at umupo. Ganon din ang ginawa namin at nagsimula na silang mag kwentuhan. Ilang oras din kaming nagkwentuhan bago namin mapag desisyonang magsibalikan na sa mga tinutuluyan naming kwarto.



Nang makadating ako sa kwarto namin ay wala pa si Chase kaya naman naligo na muna ako. Nanood muna ako ng telebisyon habang inaantay siya ngunit dumaan ang ilang oras ay hindi pa siya dumating hanggang sa makatulog na'ko.



"Goodmorning" nakangiting bati sa 'kin ni Chase.


"Anong oras ka bumalik kagabi?" Tanong ko kaagad.


"Kaninang alas tres" sambit niya. Napatitig ako saglit sa kaniya at inisip ang sinabi niya. Alas tres? Umaga na 'yon ah.


"Gago, maghihilamos muna ako tapos kumain na tayo" sabi ko saka na tumayo at naglakad papasok sa banyo. Gaya nga ng sabi ko ay naghilamos ako at nagsipilyo ng ngipin.


"Tara na?" Aya ni Chase ng lumabas ako. Tumango naman ako saka na naunang naglakad papalabas.



"Girls magpapaayos ba kayo?" Tanong ni Tita Audrey. Sama sama kami ngayong kumakain kasama sina Autumn at ang mga magulang nila. Wala pa sina mama, mamaya palang daw dadating sabi ni Tita Audrey.


"Ako nalang po siguro ang mag-aayos sa sarili ko" sambit ni Lia.


"Ako din po" ani Z


"Ganon din po ako" sambit ni Autumn. Sa totoo lang nyan di talaga marunong mag-ayos yang mga 'yan. Ayaw lang nilang magpaayos kase wala silang tiwala sa mag-aayos, nadala na dati.

"Ok, but if ever na magpapa ayos nalang kayo dapat 3pm ay nasa room 504 na" sabi ni Tita Audrey kaya naman nagsi tanguan ang mga kasama ko.



Sa buong oras na nasa hapag kami ay nagusap lang sila tungkol sa kasal mamaya. Nakikinig lang ako, minsan ay nagtatanong din naman si Tita Audrey.



"I'm going to sleep for a bit" sabi ni Chase saka humiga sa kama. Tumango lang ako saka binuksan ang balcony ng tinutuluyan namin. Ang ganda ng tanawin dito. Kita mo ang dagat at presko ang hangin. Ilang oras akong nandoon, tinitignan ang mga tao. Bago ko mapag pasyahang pumasok na at damayang matulog si Chase.





Whispers of the Rain (Paraluman Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon