Good to be back"Mahal!" Rinig kong sigaw ng isang pamilyar na boses. Hindi ako huminto sa paglalakad o nilingon man lang ito dahil boses palang ay alam ko na kung sino.
"Mahal" anito saka umakbay sa 'kin.
"Tigil tigilan mo nga ang pagsigaw, Cassper! Baka kung anong isipin ng mga nakakarinig sayo!" Sabi ko sabay pawi ng kamay niya.
"Eto namang mahal ko, pasensya kana na traffic lang" biro niya kaya naman ako napabaling sa kaniya.
"Ilang beses kong sasabihin sayong 'wag mo 'kong tatawaging mahal?! Nakakairita yang boses mo 'a!"
"Grabe ka naman ang ganda ganda kaya ng boses ko atsaka ikaw na nga itong tinatawag kong mahal ikaw pa ang galit"
"Anong gusto mo matuwa pa ako? Kaya andaming nagagalit sa 'kin, dikit ka ng dikit. Hayop ka" nakangiwing sabi ko na ikinatawa niya. Nagpatuloy naman na kami sa paglalakad.
"Hoy hindi kana nagreklamo sa sinabi ko"
"Na ano?"
"Na maganda ang boses ko"
"Gago, mas maganda pa din ang boses ng boyfriend ko" sambit ko kaya naman siya napahinto at tumawa.
"Hoy! Sampong taon na ang nakalipas doc, sapalagay mo ba ikaw pa din ang gusto non? Mas posible pa atang kinasal na 'yon e" aniya habang tumatawa. Sinamaan ko naman siya ng tingin at nagpatuloy nalang sa paglalakad.
"Doc! Teka lang!" Rinig ko pang sigaw niya ngunit nagpatuloy lang ako sa paglalakad.
"Good afternoon, doc" bati sa 'kin ng isang nurse. Tumango lang ako saka na nagpatuloy sa paglalakad. Pumasok ako sa kwarto ng pasyente ko.
"Good afternoon, Sir" nakangiting bati ko sa matandang nanonood ng telebisyon. Tinignan niya lang ako saka na ulit siya nagpatuloy sa kaniyang panonood. Napangiti ako at tinignan kung may kailangan pa bang asikasuhin.
"Have you been well?" Tanong ko sa matanda. Umabot ng ilang minuto ngunit wala pa din itong sagot.
"This is my last day yet you're still ignoring me" natatawang sambit ko. Napansin kong nabaling ang tingin niya sa'kin kaya naman ako napatingin sa kaniya.
"Your last day? Where are you going?" Mahinhin na tanong sa'kin ng matanda kaya ako napatulala. Sa mahigit anim na taon kong nagbabantay sa kaniya ay ngayon niya lang ako kinausap ng ganito.
"I'm finally going home" nakangiting sabi ko saka ipinagpatuloy ang aking ginagawa.
"You’re going home? How about me? Who's going to take care of me?" Tanong niyang muli kaya ako napatigil.
"Doctora Lazaro will" I said.
"The crazy lady?"
"Sir, you can’t call every person in this hospital crazy" sabi ko kaya naman siya nagkibit balikat at tumingin muli sa kaniyang pinapanood.
"I've never called you crazy before" Sabi niya kaya ako napangiti.
"Really? I thought everytime I check on you you're saying mean words about me in your head"
"If that's the case you have a mind problem" sabi niya kaya ako natawa. Napansin kong napatitig siya sa'kin kaya napatigil ako sa pagtawa.
BINABASA MO ANG
Whispers of the Rain (Paraluman Series #1)
Novela JuvenilChase, a law student and Lara, a med student fell inlove with each other. They are both having a hard time with their own course, and a hard time on their own problems. How would they manage to be in a relationship? Can they have a happy ending? Or...