IllegalHindi ko na napigilan ang ang tawa ko. Napatingin ulit ako kay Levi, sobrang gulat na gulat siya habang nakatingin sa kaniyang kamay kung nasaan ang garter.
Ang nangyari kasi ay dapat si Chase ang makakasalo ng garter ngunit dahil si Levi ang katabi niya ay hinila niya ito upang siya ang makasalo.
Napatingin si Levi kay Chase. The look of betrayal. Si Chase naman ay ngumiti lang at naglakad na pabalik sa inuupuan namin.
"Ansama ng ugali mo" sabi ko ng makalapit siya sa 'kin. Nagkibit balikat lang naman siya bago umupo sa tabi ko.
"Calling for all the ladies single ladies po, Its time for the throwing of the brides bouquet" sabi ng emcee. Napatingin naman ako kay Chase ng bigla niya akong siniko.
"Papasalihin mo 'ko?" Nakataas ang isang kilay na tanong ko.
"You should at least try" aniya saka ngumisi.
"Osige, sasali ako pero pagkatapos ng larong 'to, single ka na" seryosong sabi ko saka na tumayo ngunit hinila niya ako pabalik kaya naman ako natawa.
"You don't need to try, besides I didn't catch the garter" aniya naman. Magsasalita sana ako ngunit biglang may nagsalita sa likuran ko.
"Lara, come and join" aya sa 'kin ni Tita Audrey. Tinignan ko si Chase at nginitian kaya naman niya ako binitawan at hinayaang hilahin ng nanay niya.
"Sasaluhin niyo?" Tanong ni Autumn. Nasa pinaka likuran kaming anim dahil wala naman kaming balak saluhin ang bouquet.
"Kung 'yung naka White sana ang naka salo sa garter sasaluhin ko, kaso hindi" sambit ni Z. Halata ngang hindi niya sasaluhin ang bouquet dahil sa kamay niyang nakakrus sa kaniyang dibdib.
Nabaling ang atensyon ko sa emcee ng nagsimula na siyang magbilang. Tumingin muna sa'min ang bride bago niya inihagis ang Bouquet. Napaurong nalang ako dahil papaurong ang mga babae sa harapan upang masalo ito, napalakas kasi ang pagkakahagis ni Ate Isaiah.
Hindi ko napansing napaurong talaga ang babaeng nasa harapan ko kaya naman ako natulak at nawalan ng balanse. Napapikit nalang ako at hinintay na bumagsak ang sarili sa sahig, ngunit naramdaman kong may humawak sa 'kin kaya naman ako napamulagat.
"Hey, you ok?" Tanong ni Chase habang seryosong nakatingin sa 'kin. Tumayo muna ako ng maayos bago tumango. Halos wala namang nakapansin at tuloy pa din ang lahat sa kasiyahan.
Lumipas ang oras at halos nagsisibalikan na sa hotel ang mga tao, mostly mga kaedad namin, at mga kaedad nina Ate Isaiah ang mga nandito pa.
"Maligo tayo ng ulan" baling ko kay Chase dahil marinig ko ang maliliit na patak ng ulan sa bubong.
"No, lets go inside. Magkakasakit ka nyan" sabi niya sabay tayo saka pa naglahad ng kamay kaya ko naman ito hinampas.
"Huwag kang kj, hindi na ako bata. Lets enjoy the rain" sabi ko saka siya hinila papalabas ng reception. Sakto namang lumakas na ang ulan kaya binitawan ko na siya. Inilahad ko ang dalawa kong kamay na para bang sinasalo ang tubig saka tinapon kay Chase ang naipon dito.
"What's with the face?" Natatawang tanong ko.
"You never listen to me" aniya na mas ikinatawa ko
BINABASA MO ANG
Whispers of the Rain (Paraluman Series #1)
Genç KurguChase, a law student and Lara, a med student fell inlove with each other. They are both having a hard time with their own course, and a hard time on their own problems. How would they manage to be in a relationship? Can they have a happy ending? Or...