Engaged"Nakakagulat ka naman!"
"Sino yung kasama niya?" Tanong ni Z kaya naman ako napatingin kina Chase.
"Malay ko? Kakabalik ko lang diba"
"Ako alam ko"
"Oh? saka mo'ko tinanong kung sino 'yon" naiiling kong sabi saka na naglakad.
"Fiancée niya 'yon" biglang sabi niya. Napahinto ako saka napabaling sa kaniya.
"Paano mo nalaman?"
"Syempre, ka trabaho ko 'yung babae" aniya. So Flight Attendant siya.
"Hoy baka akala mo ako nagreto kay Chase 'a, nagulat nalang nga ako nang malaman kong nagdadate sila e" biglang sabi niya.
"Ano nga palang ginagawa mo dito?" Pagiiba ko nalang sa usapan.
"Wala akong lipad this week e, libre ba kayo?"
"Busy ako ngayon" kaagad na sagot ko.
"Edi busy, sa sabado nalang" aniya kaya naman ako napailing.
"Titignan ko" sabi ko. Napangiti naman siya saka na nagpaalam dahil sasabihan pa daw niya si Autumn.
Sa buong araw ay wala ako sa sarili ko. Hindi ko alam kung bakit pero kinakabahan ako. Kinabukasan ay maaga akong pumasok dahil nagising na iyong batang inoperahan ko.
"Alam mo ba kung anong pangalan mo?" Tanong ko sa bata. Muli ay pag-iling lamang ang sagot niya sa'kin.
"Kilala mo ba sino ang mga magulang mo?" Tanong kong muli ngunit sa huling pagkakataon ay umiling lamang siya. Bahagya akong ngumiti saka bumaling sa pulis na nasa likuran ko.
"Pwede ba tayong mag-usap sa labas?" Tanong ko kaya't tumango lamang ito kaya naman lumabas na ako.
"She has memory loss, posibleng pansamantala lamang o di kaya ay tuluyan na niyang hindi maaalala ang kaniyang nakaraan"
"Paano kung hindi na niya makuha ang memorya niya?"
"Iyan ang magiging problema dahil maaring ipadala natin siya sa dswd kung hindi niya maaalala ang mga pamilya niya" pag-eexplain ko. Umabot kami ng ilang oras sa pag-uusap tungkol rito. Hindi ko alam pero parang may kakaiba sa pulis na 'yon. Bata pa pero ang weird niya kumilos.
"Alam mo bang mayroon akong nakilalang Flight attendant kahapon sa flight ko papunta dito" pagkukwento ni Cassper. Umalis kasi siya papunta France dahil may importante daw siyang aasikasuhin.
"Oh ano nanaman bang nangyari?"
"Yung number niya o kahit social media account man lang ay hindi ko nakuha" Parang dismayadong aniya.
"Aba himala, hindi natukso sayo?"
"Ewan ko don, tinanong nga ako kung ano daw tinapos ko"
"Ano sinagot mo?"
"Sabi ko doctor"
"Oh? Ano sabi?"
"Pass daw, engineer daw ang nais" aniya pagkatapos ay napabuntog hininga pa. Natawa naman ako dahil don. Minsan lang hindi patulan ng kung sino si Cassper kaya kapag ganito ang mga kinukwento niya ay natatawa ako dahil pakiramdam niya daw ay parang nawawalan na ng bisa ang kagwapuhan niya. Madami pa siyang kinwento hanggang sa makatulog na ako.
BINABASA MO ANG
Whispers of the Rain (Paraluman Series #1)
Teen FictionChase, a law student and Lara, a med student fell inlove with each other. They are both having a hard time with their own course, and a hard time on their own problems. How would they manage to be in a relationship? Can they have a happy ending? Or...