CHAPTER 42

865 20 1
                                    


Answers

Nang matapos kaming mag-usap ni papa ay bumaba na kami. Naabutan namin si Chase na nasa sala, nagbabasa ng kung ano. Nang mapansin niya kami ay binitawan niya na ang hawak niya saka tumayo.



"Aalis na po ba kayo?" Tanong niya kay papa dahil siya ang nasa unahan ko.



"Oo hijo, salamat nga pala't pinatuloy mo ako" Ani papa kaya naman napangiti si Chase at napasabing "walang ano man ho"



Inihatid niya kami hanggang pintuan ngunit hindi pa din kami lumalabas dahil sa sobrang lakas ng ulan.




"Dito na po muna kayo magpalipas ng gabi, sobrang lakas na po ng ulan baka mapano pa po kayo kung magmamaneho si Lara" aniya kaya naman nanlaki ang mga mata ko. Hindi pupwede, ayoko. Magsasalita pa sana ako upang kumontra ngunit naunahan naman ako ni papa.




"Ok lang ba sayo?" Aniya kaya naman mas lalong nanlaki ang mga mata ko.




"Pa, baka makaistorbo po tayo kay Cha-"




"Ayos lang po sa'kin" putol sa'kin ni Chase kaya naman ako napabuntong hininga. Hinayupak kang tadhana ka, galing mong tumayming, hayop ka!



Naglakad na sila papasok sa bahay, wala naman na akong nagawa kung hindi sumunod sa kanila. Nababalisa akong umupo sa upuan habang nakikinig sa usapan nina Chase at papa. Nag-uusap sila tungkol sa nangyari kay Chase sa mga nakaraang taon dahil pilit itong tinatanong ni papa sa kaniya.




"Ginagamit mo ba ang masters bedroom? Pupwede bang doon ako matulog?" Muntik ko ng mabuga ang iniinom ko ng marinig ang tanong ni papa.




"Pa–"




"Ok lang po, doon naman po ako sa isang kwarto natutulog" putol ni Chase sa'kin. Napatitig ako ng masama sa kaniya dahil panay ang pagputol niya sa mga sasabihin ko.



"Ganoon ba? Osya, mauna na akong magpahinga sainyo" biglang paalam niya kaya naman ako napatingin sa orasan. Alas otso palang ng gabi, bakit ang aga niya matulog?




"Hindi na po ba kayo kakain? Magluluto na po ako" ani Chase saka nagmamadaling tumayo ngunit pinigilan siya ni papa.




"Huwag na, wala naman akong iinumin na gamot dahil siguradong hindi dala ni Doctora" Natatawang sabi ni papa kaya naman ako napatingin sa kaniya. Ito pala ang balak niya.



"Sige po, samahan ko na po kayo sa taas?" Alok ni Chase, pumayag naman si papa kaya naglakad na sila papunta sa taas habang ako ay naiwan sa ilalim saka nagtungo sa kusina. Ako nalang ang maghahanda ng hapunan. Makikialam na ako hihi.




Nagluto ako ng garlic buttered shrimp dahil iyong hipon ang una kong nakita sa ref ni Chase at meron din anamn siyang sangkap rito. Hindi naman na ganon nagtagal si Chase kaya hindi pa ako tapos magluto ay nakababa na siya.



"Pasensya kana, nakialam na 'ko" sabi ko ng makita niya akong nagluluto at pinakekealaman ang mga gamit niya.



"Its ok" simpleng sagot niya saka umupo sa harapan ko at pinanood ang ginagawa ko. Medyo naiilang naman ako dahil napapansin ko ang pagtitig niya kaya nagsalita ako.



"Ikaw lang ba ang nakatira dito?" Pagtatanong ko dahil kanina ko pa napapansin na wala man lang siyang katulong.



"Yeah, Dito ako umuuwi kapag marami akong trabaho" sagot niya kaya naman ako napahinto sa ginagawa ko.



Whispers of the Rain (Paraluman Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon