CHAPTER 50

1.3K 25 0
                                    


Promise

"Hoy!"



"Ay sorry!" Gulat kong sabi kaya naman napakunot ng noo si Autumn. Ilang weeks na din ang lumipas matapos ang paguusap namin ni Aira. Hindi ko nga alam paano kami natapos mag-usap noong araw na 'yon.



"Ano bang iniisip mo?" Tanong ni Ara.



"Yung ex niya" Natatawamg sabi ni Autumn kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.



"Ano na nga ulit balita don?" Ani Z. Napailing nalang ako dahil wala na akong balak magkwento ngunit nagsalita si Autumn at kinwento ang nalalaman niya which is hanggang doon lang sa narinig kami ni Aira na nagaaway ni Chase. Ikinwento ko sakanila ang nangyari pagkatapos non dahil nakakasiguro daw sila na hindi lang doon natatapos 'yon.





"So naaalala ka na niya dahil doon sa kwintas na suot mo?" Tanong ni Ara kaya naman tumango ako bilang sagot.



"Eh bakit naman kasi sinusuot mo pa 'yon?" Tanong naman ni Z, bakit ba andami nilang tanong?



"Ano ka ba naman! Syempre galing 'yon kay Chase!"



"Yun nga! Galing kay Chase na ex na niya, bakit mo pa itatago?" Nagtatakang sabi ni Z.



"Ay! Hindi pa ba niya sinasabi sainyo?" Parang gulat na tanong ni Autumn.



"Ang alin?" Tanong ni Lia habang kumakain.



"Na mahal niya pa ex niya!" Sabay na sabi ni Autumn at Ara pagkatapos ay tumawa pa.



"Weh? Akala ko ba "I already moved on, Its been ten years" Hindi ba?" Panggagaya ni Lia sa'kin saka pa sila tumawa.



"Makapagsalita naman kayo 'a! parang hindi kayo nagbabalik loob sa mga ex niyo"



"Kayong dalawa lang naman ni Ara ang may ex dito" Ani Autumn saka pa nakipagtawanan kina Xe.



"Hoy kasama ka rin sakanila, wala ka pang kibo dyan 'a!" Biglang taboy ni Lia kay Z.



"Panget niyo ka bonding" Masama ang tingin na sabi ni Z sakanila.



"Anyway ano ng balak mo ngayon? Magbabalikan na kayo?" Tanong ni Xena bago kumain ng leche flan.



"Hindi, kakagaling lang ni Chase sa break up para namang inagaw ko siya kapag ganon." Sagot ko naman kaya napatango siya ng bahagya.



"May point" aniya pa.



"So wala ka ng balak makipagbalikan sa kaniya?" Nakataas ang isang kilay na tanong ni Z.



"Meron pa siguro? pero nakakasiguro ako na kung makikipagbalikan man ako sa kaniya hindi ngayon 'yon. Masyado pang maaga"



"Mag o-one na kaya" saad ni Autumn habang nakatingin sa wrist watch niya.



"Funny mo" saad ni Ara.



"Joke pala 'yon?"



"Para naman kayong hindi kaibigan, tumawa naman tayo" sarkastikong sabi ni Lia kaya naman sila tumawa ni Z kunwari, sinamaan naman sila ng tingin ni Autumn.



"Ano nga palang nangyari noong isang araw?" Tanong ko ng maalala noong nag text sila saakin ngunit hindi ako nakapunta.



"Ano pa ba? Edi napresinto itong si Lia, naalala ko tuloy itsura niya" Tumatawang sabi ni Autumn kaya naman tumawa din ang iba. May ipinakita sa'king litrato si Ara dahilan upang matawa ako. Nasa loob ng kulungan si Lia na napakagulo ng buhok habang nakaupo siya na para bang kinawawa.



Whispers of the Rain (Paraluman Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon