NoonIlang minuto pa ay walang sumagot kaya nagsalita ulit ako.
"Pa? Hello?"
"Ate, balik ka muna dito sa hospital" Biglang sabi ni Dash bago pinatay ang tawag. Nagmaneho na ako pabalik sa hospital at kaagad na dumiretso sa kwarto kung saan nagiistay si papa.
Pagkabukas ko ng pintuan ay nakita kong nakaupo sa sofa si Dash habang nakahawak sa ulo niya na para bang naf-frustrate na.
"Anong nangyari?" Tanong ko saka napalingon sa paligid. Napaangat naman siya ng tingin at napatayo nang makita ako.
"Ate!" Gulat niyang sabi pagkatapos ay lumapit sa'kin.
"Baket? Anong meron? Nasaan si Papa?" Sunod-sunod kong tanong habang nililibot ng mga mata ko ang buong paligid upang makita si papa.
"Ano kase... p-pinalabas ko s-siya"
"Ano?! Nababaliw ka ba?!" Nakakunot noong sabi ko.
"Let me explain" aniya. Pinagkrus ko ang mga kamay ko saka siya tinitigan ng masama.
"Sige, ipaliwanag mo kung bakit mo siya pinalabas" Sabi ko habang seryoso ang tingin sa kaniya. Napabuntong hininga siya bago nagsalita.
"Kanina kasi kinausap niya ako parang maayos na maayos na din naman siya kaya hinayaan ko siyang lumabas sa kwarto niyang 'to. Sabi niya maglilibot lang siya sa loob ng hospital, kaso nang pinahanap ko na siya ay hindi daw siya makita kaya noong tignan naman ang mga cctv ay nakita siyang lumabas ng hospital" Pagpapaliwanag niya kaya naman nanlaki ang mga mata ko.
"Bakit siya pinalabas?! Hindi ba nakita ng mga nagbabantay na naka damit pasyente siya?!" Hindi pa pupwedeng lumabas ng hospital na walang kasama si papa kahit pa sabihin kong halos ok na siya.
"Yun nga, pinagpalit ko siya ng dala kong damit kanina dahil balak kong magka family picture tayo ulit. Nakapag selfie pa nga kami eh" aniya saka pa pinakita ang litrato nila ni papa.
"Inuna mo pa 'yang selfie mo! Hanapin mo si papa! Mag report kana din sa pulis" Utos ko bago lumabas sa kwarto at dumiretso sa sasakyan ko dahil baka hindi pa nakakalayo sa lugar si papa.
Ilang oras na akong paikot-ikot dito halos nalibot ko na lahat ng pupwede niyang daanan sa bandang hospital kaya naman napagdesisyonan ko ng lumabas sa high way. Sobrang bagal ng takbo ko dahil baka mabunggo ako dahil sa kaliwa't kanan ang tingin ko.
"Papa, nasaan kana ba?" Napapikit nalang ako sa inis ng magsimulang umulan. Itinabi ko muna ang sasakyan ko ng biglang may tumawag sa'kin.
"Hello?"
"Hello is this Mr. Dash Vega?" Tanong nito.
"Chase?" Naguguluhang sabi ko ng maging pamilyar sa'kin ang boses nito.
"Hello? Ah do I know you?"
"Si Lara 'to" sagot ko.
"Lara?"
"Oo, bakit ka napatawag?"
"Ah may nakita kasi akong matandang lalaki na nakatayo sa harapan ng habay ko. Kanina pa siya dito hanggang sa umulan kaya pinapasok ko muna siya. Tinanong ko siya kung taga saan siya ngunit hindi siya sumasagot, nakita ko yung suot niyang bracelet kung saan may nakalagay na pangalan at number" Pagpapaliwanag niya. Lalake? Posible bang si papa 'yon?
BINABASA MO ANG
Whispers of the Rain (Paraluman Series #1)
Roman pour AdolescentsChase, a law student and Lara, a med student fell inlove with each other. They are both having a hard time with their own course, and a hard time on their own problems. How would they manage to be in a relationship? Can they have a happy ending? Or...