CHAPTER 49

976 24 1
                                    


I know

Napatitig ako sa kaniya dahil sa tanong niya. Nakatingin lang siya sa'kin, hindi siya umimik. Ilang sandali pa ay tumawa siya.



"Joke lang, alam ko namang ayaw mo" sabi niya saka pa pilit na ngumiti.



"Cassper..."



"Kasalanan ko naman, alam ko na wala akong chance pero umasa pa rin ako..." Napabuntong hininga siya saka tumayo saka naglakad papunta sa'kin "ok lang naman na hindi ako magparamdam ng ilang araw diba?" tanong niya kaya naman ako tumango. Tumayo ako saka siya niyakap.



"Sorry" that's the only thing that I can say.



"Don't be, sinubukan ko lang. Wala naman masama sa paghihintay ko. I'm happy that I was by your side these past few years" sabi niya habang hinihimas ang likod ko, pinapatahan ako. Nang humiwalay siya sa yakap ay pinunasan niya ang mga luha ko, napatitig siya sa'kin habang hawak pa rin ang magkabila kong pisngi, dahan-dahan niyang inilapit ang labi niya sa aking noo.



"Hindi ko pa nasasabi sayo 'to... mahal na mahal kita at proud na proud ako sayo" Sabi niya bago ako binitawan, tipid siyang ngumiti bago ako tinalikuran saka na naglakad papalabas. Napaupo nalang ako sa upuan ko saka napatakip sa mukha ko.



"I hope you'll find someone who can return your love, mahal na mahal din kita pero hindi gaya ng pagmamahal na inaakala mo" Umiiyak kong sabi na para bang nandito pa rin siya.





Nang mag gabi na ay pauwi na sana ako ng magkaroon ng aksidente at kinailangan kong tumulong dahil kulang ang mga doctor. Sa opisina na rin ako umiglip saglit saka rin umuwi ng mag-umaga na para makakain at makaligo.





Habang naglalakad ako papasok sa hospital ay napahawak ako sa batok ko. May stiff neck ata ako, awit.



"Doc Lara!" Bigla akong napatingin sa gilid ko ng marinig ang pamilyar na boses.



"Aw!" Daing ko sabay hawak sa batok ko. Bahagya akong napaatras nang makita kung sino ang papalapit sa'kin.



"Goodmorning" May matamis na ngiti sa kaniyang mukha habang iniaabot sa'kin ang kape. Napatingin ako sa kamay niya saka ulit siya tinignan.



"Bakit ka nandito?" Walang emosyong tanong ko.



"I'm your patient, aren't I?" Nakangiti paring sabi niya. Tumango ako saka siya sinenyasan na sumunod sa'kin. Nang makapasok kami sa opisina ko ay diretso kong kinuha ang medical records niya at ipinakita sa kaniya.





"My job here is done, Mr. Atienza" Seryoso kong sabi habang busy siyang nakatingin sa inabot ko. Nag-angat siya ng tingin sa'kin saka ako nginitian.



"I can't come here anymore?"



"Its not like you can't come, Its just that you don't have to anymore... Just comeback after 2 weeks kung may mga nakikita ka paring mga pangyayari kahit nakakaalala ka na" sabi ko kaya naman siya napatango-tango.



"If you have nothing to say anymore, you can leave" Sabi ko habang ang atensyon ay nasa computer.



"I’ll get going then, have a nice day" sabi niya, tumango lang ako habang ang atensyon ay nasa computer pa rin. Nang marinig kong ang pagbukas sara ng pintuan ay napatingin ako rito, napahinga ako ng malalim ng makitang wala na siya. I need to distance my self to you, ayokong masira kayo ni Aira.





Naging abala ako sa trabaho ko buong araw kaya halos hindi rin ako ganoon nakalabas ng opisina ko. Ilang araw din akong naging busy dahil nga sa bagong hospital, halos parati rin daw may nagpapadala ng agahan sa opisina ko kaso hindi naman ako pumupunta sa hospital noon kaya pinapabigay ko nalang 'yon kay Autumn.



Whispers of the Rain (Paraluman Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon