CHAPTER 47

940 23 2
                                    


Family

"Kuya hindi pa po ako kasal!" Natatawang sabi ko.



"Boyfriend then?" Nakataas ang isang kilay na tanong niya. Umiling ako sa tanong niya.



"I'm single po" Nakangiting sabi ko.



"Really? Kung single lang sana si Chase ilalakad sana kita" Pagbibiro niya saka pa tumawa.



"Bakit ka nga pala naparito, kuya?" Pagiiba ko ng usapan.



"Nandito yung mag-ina ko"



"May anak kana?!" Hindi ko mapigilan ang mapasigaw sa gulat kaya kaagad akong napatakip sa bibig ko. Natawa naman siya sa reaksyon ko.



"Oo dalawa na" sagot niya naman. Wow.



"Saan ka nga pala pupunta?"



"Bibili sana ako ng makakain ko sa Cafeteria, kuya"



"Hindi ka pa kumakain? Mag aalas kwatro na 'a? Nako kung kayo lang ni Chase ngayon siguro napagalitan kana niya" Aniya kaya naman pilit akpng ngumiti. Awkward.



Napatawa siya ng malakas "Osiya sige hindi ko na hahalungkatin ang nakaraan niyo ng kapatid ko, pupuntahan ko naman ang mag-ina ko baka makain ako ng buhay ng ate mo" Natatawang sabi niya.



"Kailan labas nila kuya?"



"Bukas pa, baket?"



"Bibisitahin ko nalang siya mama, kain muna ako" sabi ko saka napahawak sa tyan ko dahil bigla itong kumulo. Napatawa ulit si kuya Chadler kaya naman nagpaalam na ako, ginulo pa niya ng bahagya ang buhok ko saka niya ako sinabihan na bumili na ng pagkain.





Habang kumakain ako ay hindi ko mapigilan na mapaisip. Paano kung maalala niya 'yung kagabi? Paano kung makita niyang suot ko 'yung kwintas na bigay niya? Paano kung– Napakapa ako sa leeg ko ng maalala 'yung kwintas, napakunot noo ako ng hindi ko ito makapa.



"Baka hindi ko nasuot?" pero sa pagkaka alam ko sinuot ko kaninang umaga 'yon. Hanapin ko nalang sa bahay mamaya, baka nandon lang 'yon. Tahimik kong ipinagpatuloy ang pagkain ko at nang matapos ay pinuntahan ko si papa sa kwarto niya.



Naabutan ko siyang nakaupo sa kama niya habang nanonood. Napansin niyang pumasok ako kaya itinigil niya muna ng pinapanuod niya.



"May problema ba?" Tanong niya dahil halos napatitig na pala ako sa kaniya. Napangiti ako saka umiling. Ibinigay ko sa kaniya 'yung medical record niya.



"S-Sigurado na ba 'to? Baka nagkamali k-kayo" Medyo naguguluhang sabi ni papa kaya naman ako natawa kasabay nito ang pagpatak ng mga luha ko dahil sa saya.



"Lalabas kana ng hospital, pa" Masayang kong sabi, naluluha siyang napatingin sa'kin saka ako niyakap. Habang naglalakad kasi ako papunta dito ay kinausap muna ako ng Doctor ni papa at sinabi sa'kin na nagbalik na sa normal na pag-iisip niya si papa, pupwede na daw siyang lumabas sa susunod na dalawang araw pero kahit ganon ay bantayan parin daw siya.



"Maayos na 'ko" Masayang sabi ni papa, humiwalay ako sa yakap at pinunasan ang mga luha ko saka siya nginitian.



"Natanggap mo na papa, natanggap mo na ang pagkawala ni mama" Masaya kong sabi. Ang sabi ng doctor niya ay naiisip pa rin daw niya si mama pero hindi na siya nagiilusyon na buhay pa ito, kaya nasabi kong natanggap na niya dahil 'yon naman ang dahilan ng pagkawala niya sa kaniyang sarili.




Whispers of the Rain (Paraluman Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon