Help"Ha?" Naguguluhang tanong nito.
"Lara" Ani Cassper saka pa ako hinawakan sa braso.
"Gusto ko siyang kupkupin" Seryosong sabi ko.
"Paano 'yan?" Tanong nito pagkatapos ay bumalik sa kaniyang lamesa. May kinuha siyang envelope rito daka inaboy sa 'kin.
"Child Support Agreement" Basa ko rito.
"Kukupkupin mo siya?" Naguguluhang tanong ko. Ngumiti ito saka tumango.
"Sana... Ipapaalam ko sana sayo kaso naunahan mo 'ko" Natatawang sabi niya.
"Kung papayagan mo ako, ako nalang sana ang kumupkop sa kaniya" sabi niya pa. Napatitig ako rito. Mukhang seryoso at desidido siya sa gusto niyang mangyari.
"Maipagkakait ko ba sayo" nakangiting sabi ko kaya naman siya natawa. Napamahal na sa'kin si Miley kaya gusto ko siyang kupkupin kanina ay dahil ayokong mapunta lang siya kung kani-kanino pero dahil alam kong napamahal na din si Mr. Castro sa kaniya ay masaya akong siya ang kukupkop rito.
Medyo gabi na ng makalabas kami ng presinto dahil nagkwentuhan pa kami. Nalaman kong hindi pa pala siya kasal at parang wala daw siyang balak mag-asawa ngunit gusto niyang magka-anak kaya't gusto niyang ampunin itong si Miley. Isa din sa dahilang iyon ay isa din siyang ulila noon na kinupkop ng mabait na mag-asawa na tinuturing niyang mga magulang.
"Ang akala ko biglang magkaka-anak kana" sabi ni Cassper habang nagmamaneho.
"Ayaw mo ba non? Tito kana" Natatawang sabi ko.
"Ayoko, ayaw sa'kin ng batang kukupkupin mo. Baka panay galos ang braso ko kapag pupunta sainyo" sabi niya pa kaya naman ako natawa. Hindi ko din alam pero ayaw ni Miley kay Cassper. Palaging nagaaway ang dalawa kapag pinupuntahan ako ni Cassper at sumasama siya sa kwarto ni Miley. Hindi naman mahaba ang mga kuko ni miley, sadyang tanga lang 'tong si Cassper dahil ginagamit niyang panangga ang mga kamay niya kapag mayroong tinatapon na gamit si Miley papunta sa direksyon niya.
Nang makauwi ako ay ibinagsak ko kaagad ang katawan ko sa kama dahil sa sobrang pagod ko. Hindi na ako nakakain ng hapunan dahil busog pa naman ako at nakatulog din ng maaga. Kinabukasan ay hindi ako nag duty dahil inaasikaso ko pa 'yung bahay atsaka yung isa.
Medyo bigo ako sa pagbawi ng bahay kapag umuuwi dahil ayaw talagang ipagbili ng may-ari ito. Mukhang busy din ito kaya hindi ko siya nakita kaya nagpalista ako ng meeting dito.
Kinabukasan ay dumating si Chase sa session namin ngunit hindi siya dumating para lang don.
"Bakit ka nagpapaalam sa 'kin?" Takang tanong ko habang nakakrus ang mga kamay.
"I also don't know, feeling ko lang ay kailangan kong magpaalam sayo dahil Doctor kita" Doctor nga naman.
"Para namang kapag sinabi kong huwag kang tumuloy ay hindi ka tutuloy" Bahagya pa akong tumawa dahil baka isipin niya seryoso ako. Kung sigurong kami pa ay maiintindihan ko kung bakit siya nagpapaalam sa'kin ngunit ngayon na hindi kami at wala siyang maalala hindi ko maintindihan. Hindi sapat sa'kin ang rason niya, ang weird lang.
"Nasabi mo na ba 'to sa fiancée mo?" Tanong ko ngunit hindi siya sumagot at sa itsura palang niya ay mukhang hindi pa.
"Hindi pa rin ba kayo ok?" Tanong ko.
BINABASA MO ANG
Whispers of the Rain (Paraluman Series #1)
Teen FictionChase, a law student and Lara, a med student fell inlove with each other. They are both having a hard time with their own course, and a hard time on their own problems. How would they manage to be in a relationship? Can they have a happy ending? Or...