Comfortable
"Lara, Ito oh" abot ni Tita Jada sa'kin ng envelope. Napatitig ako rito saglit bago ito binitawan sa may lamesa. Natapos na pala ang mga 'yon, ibig sabihin aalis na kami niyan.
Dalawang linggo na din ang lumipas. Inaayos nalang ang issue tungkol sa kumpaniya namin. Na bankrupt ito at nagkabaon baon kami sa utang sa diko alam na dahilan.
"Aalis ka ba?" Tanong bigla ni Tita Jada.
"Opo, kikitain ko po 'yung buyer sa condo ko" sambit ko kaya naman siya tumango. Binenta ko ang condo ko para makadagdag iyong pera sa mga utang na babayaran namin.
"Oo nga pala, sa Lunes na ang alis nyo" aniya kaya naman ako napatigil sa ginagawa ko.
"Sa Lunes po? Akala ko po bang kapag naayos na 'yung sa mga utang?"
"Naayos na namin ng tito mo kahapon, magbabayad nalang kami ngayon at tapos na ang lahat" nakangiting sabi niya.
"Pero... san po nanggaling 'yung pambayad?"
"Iha, ano pa't may pera tayo?"
"Pero tita sainyo po 'yon"
"Hay nako! Kaya ayokong sabihin sayo 'to, siguradong makikipagtalo ka" nakasimangot na aniya.
"Tita sainyo po kasi 'yon, atsaka po magagamit nyo 'yon sa future"
"Sa future pa 'yon! Mas uunahin namin ang sainyo" aniya saka lumapit sa 'kin.
"Huwag mo ng problemahin 'yon, tuparin niyo ang mga pangarap niyo ni Dash. Isipin mo nalang na pina-utang kita" aniya saka pa ngumiti. Napayakap naman ako sa kaniya.
"Thank you po tita, kung wala kayo ni tito siguro po ay hindi na namin alam ang gagawin namin" sambit ko kaya naman siya humiwalay sa yakap.
"Ano ka ba! Para saan pa at nagpayaman ako? Para sainyo 'yon syem–"
"Tita! Para sainyo po 'yon, para kay kuya Bry" Sabi ko kaya naman siya sumimangot. Kuya Bry is our cousin, ampon siya nina tito't tita dahil nahihirapan silang magka anak.
"Mas mayaman pa nga samin ang batang 'yon! Atyaka siguradong mas gugustuhin niyang sainyo ko gastusin iyon kesa sa kaniya!" Never naging iba sa amin si kuya Bry. Kahit na hindi namin siya pinsan sa dugo ay mahal na mahal niya kami at ganon din kami sa kaniya. May sarili ng pamilya si kuya Bry at isa siyang magaling na chef sa London.
"Oo nga pala, diba't aalis ka pa?" Tanong ni tita Jada kaya naman kaagad kong dinampot ang dadalhin kong bag ng maalala ang lakad ko.
"Alis na po ako tita" sabi ko saka bumeso at dali-daling tumakbo.
"I love you!" Sigaw ko pa saka nag flying kiss sa kaniya bago tuluyang makalabas ng bahay.
"1.8" pagsabi ko sa presyo ng itanong ito ng buyer.
"1.3" pakikipagtalo nito.
"1.7" pagbaba ko.
"1.3" aniya pa kaya naman ako napatalim ng tingin.
"1.5 take it or leave it" sabi ko naman.
"Deal" nakangiting aniya. Inayos ko na ang kontrata upang mapirmahan na niya.
BINABASA MO ANG
Whispers of the Rain (Paraluman Series #1)
Teen FictionChase, a law student and Lara, a med student fell inlove with each other. They are both having a hard time with their own course, and a hard time on their own problems. How would they manage to be in a relationship? Can they have a happy ending? Or...