Girlfriend?Nakatitig ako sa lalakeng busy na nagbabasa sa harapan ko, how could he just be reading but still look handsome?
Napaangat siya ng tingin at bahagyang napaatras na akala mo ay nakakita ng multo."What?" He asked with his serious face.
"Ah? Nothing" naiiling kong sabi saka na ibinalik ang atensyon ko sa binabasa kong libro.
Ewan ko nga bat biglang kasama ko 'tong lalakeng 'to e, bigla biglang lumalapit ampota. Kanina naman kasi wala akong kasama dito, nagulat nalang ako biglang umupo dito 'tong si tanga.
"Omg are they dating?" Dinig kong bulong ng kung sino sa likuran ko.
"I don't think so. Ang alam ko si Chase at Stella ang nagkikita" dinig kong sagot ng kasama niya kaya naman ako bahagyang napakunot noo.
"So why are they together?"
"I don't know maybe Chase is using her, baka meron siyang hindi naiintindihan sa mga lesson nila"
"Ah? Girl sa pagkakaalam ko matalino yang si Chase atyaka med ang course ni Lara malayo sa Law"
"Aba malay ko, bat ba andami mong tanong? Atyaka sa palagay mo ba nagdadate silang dalawa? Look at that girl halatang hindi naman ganyan ang tipo ni Chase"
Nang marinig ko iyon ay napatingin ako kay Chase. Walang emosyon ang kanyang mukha na nakatingin sa likod ko. This is what always happen when we're together, laging me bulungan. I always hear that Chase and Stella are together kuno, gusto kong tanungin si Chase kung totoo pero hindi ko alam kung paano ko sisimulan.
"Ah.. una na 'ko" sambit ko hindi na inaantay ang sagot niya ay tumayo na 'ko at naglakad na papaalis.
Hindi ko alam ang nararamdaman ko, kung galit ba ako, nasasaktan o ano. Napahinga ako ng malalim saka na lang itinuon ang atensyon ko sa dinaraanan.
Pagkapasok ko sa classroom namin ay napailing ako ng makitang sina Stella at ang mga alagad lang niya ang nandito. Dirediretso nalang akong umupo sa lugar ko saka kinuha ang phone ko na may earphones at nilagay ito sa magkabila kong tenga.
"Ano Lara hindi mo paba naririnig ang mga sinasabi ng mga tao? Siguro naman may tainga ka para marinig ang sinasabi nilang nagkikita kami ni chase diba? At kung may isip ka talaga lalayuan mo na siya"
"May tainga ako para marinig ang sinasabi ng iba, pero hindi ko lalayuan si Chase dahil lang sa sinasabi nila. Malamang nagkikita kayo, may mata ka naman diba? At may isip din akong ginagamit ko sa mga bagay na importante, hindi gaya ng utak mo na gumagana lang naman sa kalandian" sambit ko saka nag angat ng tingin sa kanya sabay ngiti. Nakakunot noo siyang umalis sa harapan ko saka padabog na isinarado ang pinto.
Hindi talaga ako nagaabala sa pakikipag-away o pakikipag-sagutan dahil may mga bagay pa akong dapat unahin pero pagdating talaga sa Stellang 'yon hindi ko napipigilan ang sarili kong magsalita. Dapat nga pasalamat pa siya, pinag-aaksayahan ko siya ng laway at oras sa pagsasalita.
Nang matapos ang natitirang klase namin ay tumayo na'ko at umalis. Sa bawat nadadaanan kong estudyante ay nakatingin sa 'kin, ang iba ay nagbubulungan. Artista na ba ako ng hindi ko nalalaman? Wala ba silang sariling issue sa buhay tho?
Hindi ko alam kung paano natapos ang araw na 'yon bastat sa sumunod na araw ay umiwas na'ko kay Chase. Nang mag umaga ay pumunta siya dito at nagdala ng agahan, gusto pa niya akong isabay sa pag pasok ngunit tumanggi ako.
BINABASA MO ANG
Whispers of the Rain (Paraluman Series #1)
Teen FictionChase, a law student and Lara, a med student fell inlove with each other. They are both having a hard time with their own course, and a hard time on their own problems. How would they manage to be in a relationship? Can they have a happy ending? Or...