CHAPTER 11

1.1K 38 9
                                    


One am


"W-What?"



"Huh? I said we're going to be late" sambit niya saka na tumayo.



"Ah....right" tumayo na din ako saka na unang naglakad. He just said he likes me, pero noong tinanong ko hindi naman inulit. Maybe he's just joking.




"Ahh!" Sigaw ko ng biglang hilahin ni Chase ang bag ko para mapahinto ako.



"Pwede namang sabihing stop eh!" Masama ang tingin na sambit ko, pinitik niya naman ako sa noo kaya mas lalo ko siyang tinignan ng masama.



"What are you thinking?" Kunot noong tanong niya.


"Huh? Wala"



"I know something is bothering you, what is it?"



"Wala nga, pano mo naman nasabing may bumabagabag sa 'kin?"



"Alam mo ba kung saan yung classroom niyo?" He suddenly asked.



"Oo doon" sambit ko sabay turo kung saan ang classroom namin.



"Dito" sambit niya saka intinuro ang room na nasa harapan namin. Eh? Ang bilis naman naming nakapunta dito.




"Haha... diko namalayang nandito na pala tayo" natatawa kunwaring sambit ko, he tsked as he shook his head.




"What's bothering you?" Nakakunot noong tanong niya.




"Wala nga, sige na papasok na ako" papasok na sana ako sa loob ng bigla niya ulit hilahin ang bag ko.



"Ano?" Tanong ko ng makaharap sa kaniya, yumuko siya ng bahagya para mapantayan ako.



"I really like you" he whispered in my ear.



"If that's what's bothering you" sambit niya ng makalayo ng bahagya sa 'kin.




"Ahh..." Fuck! I don't know what to say.




He chuckled then patted my head "I'm going now" sambit niya saka na tumalikod sa 'kin at nagsimulang maglakad papaalis.




"Goodafternoon Ms.Vega" bati sa 'kin ng prof ko.



"Ahh.. goodafternoon po" sambit ko saka na tumabi upang makapasok siya, pumasok na din ako at umupo sa upuan ko.




Sa buong klase na 'yon ay wala akong natutunan, pesteng Chase kasi kung ano-ano ang pinagsasabi! Agh! Kailangan kong magbasa mamaya nito.




Sa sumunod na klase namin ay hindi na 'ko ganoon ka lutang dahil nagpa-quiz ang prof namin. Hindi ko pwedeng ibagsak dahil major subject kahit pa sabihing quiz lang yon.




Natapos ang araw na 'yon na hindi ako nagpakita kay Chase, I don't know if hindi talaga ako nagpakita o hindi ko lang talaga siya nakikita.





The next day passed, padala lang ulit ang almusal. Naging busy ako buong araw sa mga subject na nagpagawa ng research, I didn't even realize that I fell asleep.




Doon lang umikot ang buong linggo ko, hindi na pumupunta dito si Chase dahil siguro ay busy siya pero nagpapadala naman siya ng kung sino para ihatid ang agahan ko.




So basically hindi na 'ko nagluluto ng agahan ko, hindi naman sa tamad ako pero syempre sure na 'yon hehe.



Saturday and Sunday I spent my whole day inside my condo, Finishing my research. Halos one AM na 'ko natapos dahil don, I was about to go to sleep when I suddenly recieved a message from an unknown number.



Whispers of the Rain (Paraluman Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon