CHAPTER 40

851 18 0
                                    


Past

Sinalubong namin sa harapan ng hospital si Papa. Nilabas nila siya sa sasakyan at pina-upo sa wheelchair. Lumapit ako sa kaniya at umupo upang mapantayan siya.



"Pa kumusta?" Tanong ko. Diretso lang ang tingin niya sa mga mata ko. Ngumiti ako at tumayo.



"Tara po sa loob?" Baling ko sa Doctor niya. Dito na si papa simula ngayon. Simula noong bumalik ako ay isa na ito sa mga inaasikaso ko. Gusto namin ni Dash na kami mismo ang mag-alaga kay papa.



"He's doing better this fast few days so you don't need to worry about him. Since ikaw naman ang namamahala dito ay wala naman siguro akong dapat ipag-alala kay Mr. Vega" Ani Doctora Camille habang tinitignan si papa na naka-upo sa garden. Kanina kasing pagkarating niya ay pinatulog muna siya. Ngayong nagising siya ay nilabas siya ni Dash upang makalanghap ng sariwang hangin.





"Maraming salamat talaga Doctora. My father wouldn't be in a good state all of these years if it wasn't for you" Nakangiting baling ko sa kaniya.





"Ano ka ba, para naman 'tong sira! I learned a lot from you and your family. Hindi siguro ako naging psychiatrist kung hindi dahil sainyo" Nakangiting sabi niya. We met four years ago. Nang bumalik ako sa pilipinas. Nang makagraduate ako. Camille wasn't a licensed doctor back then. She was giving up on her career but I pleaded to her. Siya lang ang doctor na pinagkatiwalaan ko sa pag-aalaga kay papa ng sukuan siya nung nauna niyang doctor.



"It was your choice to be a psychiatrist, I just gave you an inspiration to not give up on that dream of yours" sabi ko.



"Maybe but still, thank you. Salamat dahil pinagkatiwalaan mo 'ko. Salamat dahil ipinagkatiwala mo sa'kin ang papa mo"



"I think I should be the one saying thank you to you. Salamat dahil hindi mo ako binigo. Salamat dahil inabot mo ang pangarap mo. Maraming salamat dahil hindi mo pinabayaan at sinukuan ang papa ko kahit na ang hirap ng pinagdaanan mo" Naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko. Hindi ko masabi kung gaano kalaki ang pagpapasalamat ko dahil inalagaan niya si papa sa panahong ako dapat ang gumagawa.



"Ano kaba! Huwag tayo mag-iyakan dito nakakahiya" aniya kaya naman ako natawa at napapunas sa luha ko. Nagkwentuhan pa kami ni Camille bago siya umalis. Pupunta na siyang New Zealand upang doon mag trabaho.





"Mag-iingat ka"



"Tatanggapin mo naman siguro ako kung mawalan ako ng trabaho don diba?" Tanong niya.



"Oo naman, ang saya siguro kung dito magtatrabaho ang isa sa mga magagaling na psychiatrist kaso mukhang hindi ka naman mawawalan ng trabaho, sa galing mong 'yan" Natatawang sabi ko kaya naman siya natawa. Hinintay ko siyang makapagmaneho paalis bago ako pumasok sa loob.






Noong pumunta ako sa garden ay wala na si papa at Dash kaya naman pumunta ako sa kwarto niya. Mahimbing na natutulog si papa habang si Dash ay may kausap sa telepono kaya hindi din ako nagtagal don.



Pumunta ako sa kwarto ni Miley at naabutan siyang nagbibihis na. Sinuot niya 'yung damit na binili ko sa kaniya kaya naman ako napangiti.



"Doc!" Masayang aniya ng makita ako.




"Ready kana?" Tanong ko saka lumuhod upang ayusin ang kaniyang damit.




"Mm! Nasa backpack ko yung mga gamot ko, kinain ko din po yung gulay na pinakain ni Nurse Abby" Proud na proud na sabi niya sa'kin saka pa matamis na ngumiti. Napangiti naman ako at sinabihan ko naman siyang magpakabait kapag pinuntahan na siya ni Officer Castro.




Whispers of the Rain (Paraluman Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon