CHAPTER 07

1.2K 46 30
                                    


Mag jowa?


Tahimik lang kaming nakaupo habang nagtitinginan. Nasa kusina kasi si Chase pinilit magluto ng mga 'to, hindi na nahiya.


"So? Sino siya?" Pagsisimula ni Ara.



"Si Chase?" Hindi sure na sagot ko.



"Bobo! Ibig kong sabihin sino siya sa buhay mo?"



"Kaibigan?"



"Bat puro patanong mga sagot mo? Dika sure?" Tanong ni Z.



"Hindi"


"Hindi ba kayo nagdadate?" Tanong naman ni Xena.



"Hindi"



"Eh? Akala ko ba si Felix yung crush ni Lara?" Tanong ni Lia kaya naman sila natawa.



"Oo nga diba si Felix crush mo?" Asar ni Autumn sa'kin.



"Mga hunghang" sambit ko kaya naman sila natawa. Natahimik sila ng lumabas na si Chase galing sa kusina.



"The food is ready" sambit niya kaya naman nagsi ngitian ang mga tanga.




Naunang tumayo si Z kaya naman nagsalita si Autumn "Z alam naman naming patay gutom ka pero chill ka muna" sambit niya kaya naman siya sinamaan ng tingin ni Z.






Habang kumakain ay nagtitinginan lang si Autumn at Z na parang naguusap.





"Kayo na?" Biglang tanong ni Lia kaya nama ako napatingin kay chase. Sina Z ay nagpipigil sa tawa dahil sa kakapalan ng mukha nitong si Lia.




Tumingin sa'kin si Chase saka ngumisi "No" simpleng sagot niya kay Lia saka na siya nagpatuloy sa pagkain.




"Ay, Hindi pala sila" rinig kong sambit ni Autumn.





"Sino bang nagsabing sila? Maissue ka lang" sambit naman ni Z sa kaniya saka na din siya nagpatuloy sa pagkain niya.





Natawa naman ako dahil sa itsura ni Autumn, sobrang sama ng tingin niya kay Z dahil sa sinabi nito.




"Balak mo bang ligawan si Lara?" Biglang tanong ni Autumn, muntik namang mabulunan si Chase dahil sa tanong niya. Mga tangang 'to! Hindi man lang nahiya!




"Ahm?"




"Ayos lang kung hindi, hindi na kami magugulat" sambit pa niya kaya ko naman siya sinamaan ng tingin.




"Pero alam mo bang swerte ka kapag naging jowa mo yan" sambit ni Z habang tinataas baba ang kanyang kilay.




"Oo, may tutulong sayo sa mga hindi mo naiintindihan sa lesson" dagdag ni Lia.



"Susuportahan ka pa sa mga gusto mo" sambit naman ni Xena.




"Mabait ng konti" sambit ni Ara. Bat konti lang? Mabait ako!




"Hindi nga lang marunong magluto" sambit ni Autumn.




"Nagpapahintay nga lang kapag mag-isang magco-commute" naiiling na sambit ni Ara. That's kinda true.




"Tapos kapag gusto niya gusto niya" gatong ni Xena. Teka kino-compliment palang nila ako kanina ah.



"Mataas din ang pride" sambit pa ni Z habang kumukuha pa ng carbonara. Napatingin ako kay Chase ng marinig ko itong tumawa, gagong 'to.







Whispers of the Rain (Paraluman Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon