Mahal kitaIts been two and a half years since I left.
Naalala ko no'n ng makabalik ako sa Canada, I didn't really know how to react when I saw my grandmother in bed.
Ang sabi ni tita Jada na stroke daw si lola, wala daw balak ipasabi ni lola 'yon saamin pero hindi naman daw makakayang itago samin ni tita Jada ang kalagayan niya kaya tinawag niya kami.
Hindi na ako bumalik ng Pilipinas simula ng pinasundo ako ni Tita Jada, si Dash nalang ang pabalik balik doon para sa mga negosyo niya pati na rin sa hospital. Hindi na ako nagabala pang bumalik doon dahil mas gusto kong alagaan si lola. Dalawang linggo bago siya magising, bahagya lang siyang makagalaw o kahit man lang magsalita. All she eats is soft food like, mashed potatoes, cooked cereals, soup, sometimes she doesn't want to eat.
Nang sinabi ng doctor ni Lola na lumalakas na siya at makakaya na niyang simulan ang therapy niya. Sinimulan namin sa pagtayo niya. Sobrang hirap makita na hinang-hina si lola kaya hindi mapigilan ang kaniyang palaging pagbagsak. It took about a month bago siya nakatayo mag-isa, sinundan nila sa therapy ng pag-upo which took about half a month, lying down took about three months, walking took about six and a half months, eating took about four months, swallowing, drinking, dressing, bathing, writing, using the toilet and many more.
Ngayong araw na 'to ang pagbalik namin sa Pilipinas, kasama ko si Lola na nagbalik na sa feeling na kabataan, sina Tito Adryan and Tita Jada. Mag sstay na kami sa Pilipinas for good para naman mabantayan namin ng mas maigi si Lola.
Halos nakatulog lang ako sa byahe kaya halos wala din akong maalala basta pagkagising ko nalang ay nasa pilipinas na daw kami. Halos madaling araw na kaming naka-uwi sa bahay kaya sobrang pagod ako kahit pa natulog lang ako sa buong byahe. Nakatulog lang din kaagad ako ng humiga ako matapos maligo.
Gumising akong gising na lahat ng tao sa bahay kaya nagsabay-sabay na kaming kumain. Nagmamadaling umalis sina Tito Adryan at Tita Jada dahil may business meeting daw sila, ganoon din si Papa. Si papa ang nangangalaga sa isang business ni Dash which is katulad ng dati naming business. Habang naghuhugas ako ng plato ay biglang sumulpot sa harapan ko si Dash.
"Ate, galing daw kay Ate Ara" sabi niya sabay abot sa'kin ng maliit na envelope. Nagpunas muna ako ng kamay bago ko ito kinuha sakaniya saka binuksan. Birthday invitation pala. Iniwan ko nalang sa table ko 'yung invitation saka na naligo at bumalik sa hospital, wala namang ganoong nagbago bukod sa mga empleyado namin dahil inilipat ang iba doon sa isang pinagawa namin kaya halos baguhan ang mga empleyado at hindi pa ako ganoong ka kilala.
"Palagi ka nalang nawawala, long time no see" ani Autumn saka ako niyakap.
"Sorry sana mapatawad mo pa ako" sarkastiko kong sabi kaya naman siya natawa.
"Pupunta ka ba bukas?" Tanong niya.
"Oo, tagal ko din kayong hindi nakasama 'no!"
"Kung ganon, sasabay na 'ko sa'yo 'a?" Nakangiting sabi niya saka pa ako inakbayan.
"Gagawin mo pa akong driver"
"Syempre kakabalik mo lang dapat alipustahin ka ulit"
"Ano ako bagong biling sapatos na kailangan mong binyagan?" Nakangiwing saad ko, nakangiti naman siyang tumatango. Wala naman ako ganoong ginagawa dahil hindi ganoon ka busy at hindi naman sila nagkukulang sa doctor kaya maaga rin akong umuwi. Kinabukasan ay hindi na ako pumasok dahil tinatamad ako, nang alas kwatro ay nag-ayos na ako saka nagbihis pagkatapos ay sinundo na si Autumn.
BINABASA MO ANG
Whispers of the Rain (Paraluman Series #1)
Teen FictionChase, a law student and Lara, a med student fell inlove with each other. They are both having a hard time with their own course, and a hard time on their own problems. How would they manage to be in a relationship? Can they have a happy ending? Or...