CHAPTER 26

847 21 2
                                    


Be happy

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko nang makaupo siya sa tabi ko.




"I don't know" aniya saka nagkibit balikat habang nakatingin sa kalangitan



"I think the stars told me to be here because my brightest star lost her shine" Nang mapatingin ako sa kaniya ay nakatingin din siya sa akin. Seryoso ang kaniyang tingin na para bang tinatanong kung kamusta ako?




"I'm not ok" sabi ko kahit na wala siyang tinatanong o sinasabi. Without saying anything he hugged me. I didn't know why but my tears started falling.




Ilang oras kaming nasa ganoong posisyon, Ilang oras akong umiiyak na walang sinasabi. Na para bang sa paraang iyon ay nag-uusap kami at nagkakaintindihan.



"Thank you" Hindi ko alam kung anong klasing thank you 'yon. Andami kong gustong ipagpasalamat sa kaniya, ayoko ng isa-isahin dahil pakiramdam ko ay alam naman niya.



Tahimik kaming nakatingin sa mga bituwin, dinadama ang lamig ng sariwang hangin ng biglang tumunog ang cellphone ko.



"Ma?"



"Lara" aniya sa mahinang boses.



"Pabalik na po ako" sambit ko dahil baka tumawag siya dahil wala siyang kasama o di kaya ay hinahanap niya lang ako.



"Hindi, ayos lang dyan kana muna" sabi niya. Huminto siya saglit at narinig ko naman ang kaniyang pag-ubo.


"Lara pwede mo bang kantahin yung paborito kong kanta?"



"Po?" Naguguluhang sambit ko dahil bigla nalang siyang nagpapakanta. Huminga ako ng malalim saka na inumpisahan ang aking pagkanta.



"I know it's been a while since our eyes last met. Too many words were left unsaid. Your head was poking out of the driver's seat. Eyes full of tears, I couldn't leave" pagsisimula ko. Paborito itong kanta ni mama. Ewan ko ba pero ang sasakit ng mga kantang nais niyang pinakikinggan.



"No matter what I do I still feel you coming back to me. When I know that you never will. So before I say goodbye, would you do one last thing for me?
Be happy" nagsimula nanamang mag init ang aking mga mata at mamuo ang mga luha.



"And take, take her to the moon for me.
Take her like you promised me. Say you love her every time. Like how you told me the last time." My tears started falling, sinusubukan kong hindi ito marinig ni mama.



"Someday I know we'll meet again
In heaven by the rainbow's end
And I only wish you happiness
Until we meet again." Sinabayan ako ni Mama sa pagkanta dahilan upang mas lalo akong umiyak. Rinig sa kaniyang boses ang kaniyang nararamdamang sakit.



"Wish I could stick around and fight back your tears. Tell you, "My love, I'm still here" Someday we'll understand why I had to leave. But for now I need you to set me free" Huminto ako sa pagkanta dahil sobrang sakit ng mga kahulugan ng liriko. Habang si mama ay nagpapatuloy.



"No matter what I do I still feel you coming back to me. When I know that you never will. So before I say goodbye, would you do one last thing for me?
Be happy." Sinabayan ko siyang muli habang ang aking mga luha ay patuloy pa din sa pagtulo. Sobrang hina ng boses ni mama dahil pinipilit na niya lamang ito ngunit hindi ko naman siya masuway dahil ito nalamang ang tanging dahilan upang mapasaya ko siya.



"Anak ipag patuloy mo ang kanta ngunit ibigay mo kay Chase ang telepono" ani mama. Nagtataka man ay inabot ko kay Chase ang telepono at ipinagpatuloy ang aking pagkanta.



Whispers of the Rain (Paraluman Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon