Ayoko"H-Ha?"
"Kanina pa kasi maraming tao, hindi kita makausap kaya buti nalang tayong dalawa nalang ngayon" Nakangiting sabi niya. Mukhang good mood siya ngayon.
"Ano bang gusto mong pag-usapan? At bakit ang agaaga mong nandito?"
"I wanted to ask if anong hilig ng mga babae" aniya kaya naman ako natawa.
"Ano 'to? Nasa first stage ka palang ng ligawan?" Natatawang sabi ko ngunit napahinto rin ako sa pagtawa ng makitang seryoso siya.
"Bakit mo ba ako tinatanong?"
"I want to surprise Aira"
"Oh? So bakit ako ang tinatanong mo? Hindi mo ba napansin na sobrang magkaiba kami ng fiancée mo?" Tanong ko habang nililigpit ang magulo kong lamesa. Napansin kong sobrang magkaiba kami ni Aira, sa pananamit, sa mga hilig namin, sa ugali, sa mga ayaw namin, sa paborito namin, at syempre sa itsura, duh!
"Talaga? Hindi ko napansin 'yon" Napakainosenteng sagot niya. Malamang, hindi talaga niya mapapansin e hindi naman siya nakafocus sa'kin. Tama lang naman 'yon, mas weird siguro kung napansin niya.
"Wala kang mapapala sa'kin kaya umalis kana, inaantok pa ako" Sabi ko saka napaunat. Antagal niyang umalis, gusto ko na ulit matulog.
"Ha? Sino nagsabing aalis ako? Dito muna ako" aniya kaya gulat akong napatingin sa kaniya.
"Anong gagawin mo dito?! Wala ka bang trabaho?!"
"Bakit panay ang sigaw mo? Nabasag na ata yung eardrums ko, kung madaling araw ba ako nandito sisigaw ka pa rin?" Tanong niya. Oo, sisigaw pa rin ako. Naalala ko noong naaalala niya pa ako, hindi pa kami non pero pumunta siya sa condo ko para alokin ako ng almusal.
"Bakit ba kasi ayaw mong umalis? Diba abogado ka? Bakit parang ang chill mo lang sa buhay?"
"I took a day off. I just want to know you better, doc"
"Well I don't, at wala akong maisip na dahilan kung bakit kita kailangang kilalanin pa. We are just patient and Doctor here, hindi dapat tayo lumagpas sa ganon lang" pagpapaalala ko sa sarili ko. Sa'kin ko pinapaalala 'yon dahil mukhang sumosobra na ako at nadadala na sa mga nangyayari.
"You became more mean"
"Did you just pout?" Nakakunot noong tanong ko.
"Maybe" Aniya. Napailing nalang ako saka inihiga ang ulo ko sa mesa. Nagulat ako ng makitang nakahiga din ang ulo ni Chase sa mesa ng mapabaling ako rito.
"Are you sure that we haven't met before?"
"Why? May naaalala ka ba?" Ngunit sa pagkakasabi ko ng mga huling salita ay pabulong lang.
"Nothing, I just feel so comfortable being with you"
"Really?" Tanong ko kaya naman napatango siya. Napatitig ako sa kaniya at napaisip. Kung hindi ba ako umalis non mas maganda yung samahan natin ngayon? Kung naaalala mo ba ako ngayon ganito pa rin tayo? Kung bang walang kayo posibleng mabalik 'yung dati tayo? Andaming kong gustong itanong sayo pero kapag tinanong ko ang mga 'yon siguradong gugulo lang ang lahat. Mas maganda ng ganito pansamantala, magpapaliwanag ako kapag naaalala mo na. Napaangat ako ng tingin ng marinig ang pamilyar na boses.
BINABASA MO ANG
Whispers of the Rain (Paraluman Series #1)
Teen FictionChase, a law student and Lara, a med student fell inlove with each other. They are both having a hard time with their own course, and a hard time on their own problems. How would they manage to be in a relationship? Can they have a happy ending? Or...