Parents trustLutang ako sa buong klase ko dahil iniisip ko kung tutuloy pa ba kami ni Chase. Wag nalang kaya ako umuwi? May titirahan pa naman akong condo. Pero yung mga cookies ni mama.
Para akong nabalik sa realidad ng bigla akong sikuhin ng katabi ko. Nang tumingin ako sa kaniya ay ngumunguso siya sa gilid ko. Ano nanaman bang gusto ng babaeng 'to?
"Hoy Stella tigil tigilan mo'ko ngayon ha, may mas malaki akong problema. Wag ka nang dumagdag" seryosong sambit ko habang nakatingin sa hawak kong notebook.
"Aray!" Masama kong tinignan si Aki.
Kurutin ba naman ako! Pasimple siyang ngumuso sa gilid ko kaya naman ako napatingin."Ay!" Sambit ko sabay tayo ng makitang si Chase ang nandito. Diretsong naka tingin si Chase sa white board habang nakasandal sa pader at nakakrus ang kamay.
Narinig kong tumawa si Aki kaya ako napatingin sa kanya. Sumenyas siya na parang sinasabing "hala ka" bago siya tumayo at umalis.
"Putangina!" Gulat na sabi ko dahil ng mapatingin ako kay Chase ay nasa harapan ko na siya.
"Ano ba!" Kunot noong sambit ko. Seryoso lang naman siyang tumingin sa 'kin.
"What's your problem?" Tanong niya.
"Anong problem? Wala" sagot ko saka humarap sa mga gamit ko upang mailigpit ito.
"Does Stella still bother you?" Tanong niya ulit.
"Ha? Hindi" sagot ko. Sandali ako napahinto saka humarap sa kanya "Minsan" dagdag ko kaya naman siya napakunot noo.
"Tara na nga!" Hila ko sa kaniya. Binabagalan ko ang paglalakad ko dahil nagiisip pa ako ng masasabi kina mama.
"Wag nalang kaya tayo tumuloy" biglang sabi ko kaya naman napatingin sa 'kin si Chase.
"Why?"
"Wala lang, hindi ko feel pumunta sa kanila ngayon" pagdadahilan ko.
"Nah, inaasahan tayo ng mga magulang mo" aniya. Hinila ko ang kamay niya dahilan upang mapahinto siya sa paglalakad at tumingin sa 'kin.
"Gusto mo na ba talagang mama– este masabihan?"
"I don't see any problem para hindi tayo pumunta sainyo and I don't see anything wrong with our relationship" sagot niya. Our relationship masarap pakinggan pero malilintikan talaga ako neto kay mama.
"Unless.." napaangat ako tingin sa kaniya.
"What? Unless what?"
"Unless wala ka naman palang balak magseryoso" aniya.
"Gago ka ba?! Mas madadali ako sa nanay ko non!"
"That's good to know"
"Anong good to know? Na madadali ako ng nanay ko? Aba gagong 'to!"
"Good to know na magseseryoso ka" sagot niya. Ako naman ay napangisi.
"Wala akong sinabing ganon" sambit ko saka siya nginisian. Seryoso naman siyang napatitig sa'kin kaya nauna na akong naglakad.
"Wag na lang kaya?" Sambit ko. Nandito kami sa harapan ng gate namin. Kanina pang nasa sasakyan ay hindi na'ko mapakali, dahil hindi ko alam ano at paano ang sasabihin ko.
BINABASA MO ANG
Whispers of the Rain (Paraluman Series #1)
Teen FictionChase, a law student and Lara, a med student fell inlove with each other. They are both having a hard time with their own course, and a hard time on their own problems. How would they manage to be in a relationship? Can they have a happy ending? Or...