MlSa buong araw ng sabado ay wala akong ginawa kung hindi ang humilata lang sa kama, nagcecellphone. Nakakatamad kasing gumalaw at sobrang init pa.
Nang mag linggo ay balak kong makipagkita kina Z kaso busy daw sila kaya sa bahay nalang ako pumunta.
"Ma dagdagan mo kasi ng chocolate chips" pagpupumilit ko.
"Hindi masarap kapag madaming chocolate chips Lara" sambit ni mama habang nilalayo sa'kin ang cookie doe na ginawa namin na inilalagay na sa tray.
"Ma, kahit yung akin nalang" pagmamakaawa ko.
"Lara" pagbabantang sambit niya kaya naman ako napanguso.
"Oh" abot ko sa kapatid ko na walang ibang ginawa kung hindi ang maglaro.
"Ano ba yan?" Tanong ko habang nakatingin sa screen ng phone niya.
"Ml" sambit niya habang seryoso pa ding naglalaro.
"Marunong ka ba neto?" Tanong niya.
"Hindi" sambit ko saka na inalis ang tingin sa phone niya, kumuha ako ng cookie saka nalang binuksan ang phone ko.
"Turuan kita para naman makalaro mo si kuya Chase" Muntik na 'kong mabulunan ng banggitin niya ang pangalan ni Chase.
"Ok ka lang ate?" Nag-aalalang tanong niya sabay abot sa'kin ng tubig.
"Naglalaro ng ganyan si Chase?" Takang tanog ko pagtapos kong uminom. Tumango lang siya saka na ulit naglaro.
"Close kayo?" Tanong ko ulit.
"Mmmm... Nung isang araw na nandito sila nagkipaglaro siya sa'kin dahil nababagot na daw siya" pagkukwento niya.
"Ahh ok" tumatangong sambit ko. Bat parang laging nandito sina Chase?
"Dito ka matutulog?" Tanong ni mama habang kumakain kami.
"Hindi po, maaga pa po ako bukas" sambit ko kaya naman siya napatango.
"Kamusta naman pag-aaral mo?" Tanong ni papa.
"Ayos lang po, medyo mahirap pero kaya naman" sagot ko ng makainom ako ng tubig. Minsan ko lang makita si papa kahit na nasa bahay lang siya. Palagi kasi siyang nasa office niya, busy sa trabaho.
"Mabuti naman, Ikaw Dash kamusta naman ang mga grades mo?"
"Grade in Math has been slain" natatawang sabi ko dahil iyon ang naririnig kong sinasabi sa nilalaro niya kanina.
"Ayos lang po" sagot niya habang masama ang tingin sa'kin.
"Sus! Ayos lang, puro nalang double kill naririnig ko" sambit ko kaya naman mas sinamaan niya ako ng tingin.
BINABASA MO ANG
Whispers of the Rain (Paraluman Series #1)
Novela JuvenilChase, a law student and Lara, a med student fell inlove with each other. They are both having a hard time with their own course, and a hard time on their own problems. How would they manage to be in a relationship? Can they have a happy ending? Or...