CHAPTER 46

896 25 1
                                    

Hallucinating

"Omg!"



"So ibig sabihin..." Hindi tinuloy ni Autumn ang sasabihin niya dahil napatakip nalang siya sa bibig niya. Ngumiti ako sa kanilang dalawa ni Ara.



"I guess I haven't moved on after all" Hindi ko alam kung matatawa ako o hindi. Ang hirap ng sitwasyon ko.




"Ok lang 'yan, We all experience pain because we're loving someone. We're all experiencing the same pain just not the same problem" Nakangiting sabi ni Autumn.



"Nasa sa'yo pa rin naman ang desisyon, its either letting the pain grow or letting the pain go" Sabi naman ni Ara.



"Mas masasaktan ka lang kapag iniwasan mo 'yan, wait for the right time to come. Pakiramdam ko kasi ang hassle if ngayon mo pinaliwanag lahat, kung ipapaliwanag mo man" Sabi pa ni Ara ng natapos iligpit ang dala niya.



"Aalis na 'ko 'a, Sana wag na kayo masaktan dalawa" Natatawang sabi niya pa.




"Salamat sa pagkain, Chef" sabi ko.



"Walang ano man, Doc" Nakangiting sabi niya bago kami iniwan.



"Oh anong tingin 'yan?" Ani Autumn ng mapansin na nakatingin ako sa kaniya.



"Ikaw din, 'wag mo iwasan" Sabi ko bago nagpaalam na aalis na. Habang naglalakad ako ay hindi ko mapigilan ang pagmamasid sa mga tao. Andaming naka sakay sa wheelchair, may mga nakasaklay din, 'yung iba naman ay nakabenda ang ulo. They are all experiencing pain, but they're still smiling.



Lahat naman tayo kahit na nasasaktan ngumingiti pa rin. Ang hirap lang isipin na tinawag nilang "ngiti" 'yon para masabi na'tin na masaya ang isang tao, na ok ang isang tao. Kaso dahil din sa dahilan na 'yon, ginagamit na'ting panangga ang ngiti na'tin para matago ang sakit at poot na nararamdaman na'tin.



"Lara"


"Ay ngiti!" Sigaw ko ng biglang bumungad sa'kin si Papa.



"A-Ano po 'yon?"



"Ok ka lang ba? Anong sinasabi mong ngiti?" Natatawang aniya. Napatitig ako kay Papa dahil sa pagtawa niya ay parang wala man lang nangyari sa lumipas na sampung taon. Tinignan ko simula ulo si Papa hanggang sa paa niya, sobrang lusog ng pangangatawan at hindi makikita sa kaniyang mukha na nawala siya sa sarili niya noon.



"Wala po 'yon, andami ko po kasing nakikitang taong nakangiti" Pagdadahilan ko.



"Nakita ko kanina si Chase na lumabas sa Opisina mo, mukhang naiinis siya na naguguluhan. May nangyari ba sainyo?" Nag aalalang tanong niya.



"Wala naman po, nagkaroon lang po ng hindi pagkakaintindihan" sabi ko naman saka ngumiti.



"Saan? Sa nakaraan niyo?" Tanong niya ulit kaya nawala ang ngiti ko at napalitan ng pagtataka.



"Napapansin kong palaging nandito si Chase, pero hindi ka niya pinupuntahan. Madalas nasa Garden siya o nasa rooftop, nakayakap siya sa mga tuhod niya habang nakayuko. Ilang oras din siyang nakaganon bago siya tatayo at aalis" sabi ni Papa habang sinasabayan ako sa paglalakad. Hindi ako sumagot dahil napaisip ako. Bakit siya nandito? Ano ba talagang nangyayari sa kaniya?



"Maghanda ka na dahil mukhang unti-unti na niyang naaalala kung sino ka ba talaga" Sabi pa ni Papa saka ako tinapik sa likod bago siya naglakad paalis. Nasa harapan na pala ako ng opisina ko, hindi ko man lang namalayan.



Whispers of the Rain (Paraluman Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon