SPECIAL CHAPTER

1.5K 18 2
                                    

Disclaimer: This is Lara's highschool year. Her pov on how she and her friends met. The events are a bit based on true stories.

It was our first day of school, kasama ko sina Ayana ngayon. Nakaupo kami habang inaantay ang teacher namin. Medyo marami na rin ang mga nandito, halos nakaupo lang sila sa pinili nilang upuan dahil halos wala pang kakilala.



"Goodmorning students" Biglang napatingin ako sa pintuan ng marinig ko 'yon. Isang babae ang pumasok sa classroom namin, mga nasa twenty plus siguro ang gulang nya.




"Hintayin nalang po natin ang iba, tutal medyo maaga pa naman. Makipagusap muna kayo sa mga classmate niyo" Aniya saka ngumiti sa'min pagkatapos ay lumabas ulit siya sa classroom.



Naguusap sina Ayana at Amee habang ako ay nagmamasid sa iba kong mga kaklase. Habang nagaantay ay nagbukas nalang ako ng phone saka nagbasa. Hindi naman ako mahilig makipagusap sa iba. Ilang minuto pa ang lumipas bago bumalik ulit 'yung babae kanina.






"Goodmorning class!" Nakangiti ulit na bati nya kaya naman bumati rin kami ng goodmorning.




"Tutal naman first day, magpapakilala muna tayo. Ako na mauna, alam kong nahihiya pa kayo" Medyo natatawang aniya kaya naman napangiti ako. Pakiramdam ko chill lang siyang teacher.




"So class, My name is Miss Gema Labrez" Nakangiting pagpapakilala niya. "My favorite hobby is to read and eat, I live in San Fernando, my talent is Singing and I am 23 years old" pagpapatuloy niya.




"I'll be your adviser for this school year and your CLE teacher" aniya pa kaya naman napatango ako. Mukha naman talagang CLE tecaher si ma'am, masyadong mahinhin makipag-usap at 'yung itsura niya mukhang mabait naman.




"Ayan! So... kayo na. Pa horizontal ang pagkakasunod sunod niyo ha! Unahin natin sa'yo"  sabi niya saka itinuro ang babaeng nasa kaliwa niya na nakaupo sa pinaka harapan. Tumayo ang babae sa harapan, maliit lang siya kumapara sa'kin medyo baby face pa.




"Ayan! Ang baby ng ityura mo" ani Miss Gema sa babae kaya naman napangiti ito. "What's your name, age, talent, hobbies/hobby and where do you live?"



"My name is Charlotte Velasco, I am thirteen years old, I live in St. Ana, my talent is drawing and my hobby is dancing" pagpapakilala nito na ikinakunot ko ng noo. Ano ba 'yan! Ang hina ng boses! Ano ako lalapit para marinig siya?



"Thank you Charlotte" ani Miss Gema pagkatapos ay tinawag na ang susunod na magpapakilala. Tumayo ang medyo katangkaran na lalaki.



"Ang tangkad" biglang sabi ni Miss Gema ng tumayo ito sa tabi niya. Natawa naman kami. "Introduce yourself na" ani Miss Gema. Ilang sandali pa ay hindi ito nagsalita, nakatingin lang kay Miss Gema.




"Ano po ulit sasabihin?" Aniya kaya naman kami natawa. Akala ko naman kung napano. Sinabi ulit ni Miss Gema kung ano ang sasabihin niya kaya nagpakilala na ito.




"Goodmorning classmates" aniya saka kami nginitian. "Ahmm... uh... My name is..." paputol-putol na sabi niya habang ipinipitik ang kamay. "uh.... Gabriel, I am fifteen years old, I live in San miguel" aniya saka ngumingiti-ngiti. Akmang uupo na siya ng pigilan siya ni Miss Gema.




"Teka, 'yung hobby mo pa atsaka talent"




"Wala po akong talent at hobby" aniya kaya naman napatango si Miss Gema. Umupo na 'yung gabriel kaya naman tumayo na 'yung sumunod na magpapakilala. Halos nasa pangatlong row na kami ng tumayo na ang susunod na magpapakilala. Matangkad siya na morena, maganda, medyo curly 'yung hair, mahinhin ang mukha.




Whispers of the Rain (Paraluman Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon