Plans"Pa!" Narinig kong sigaw ng kapatid kong si Dash. Naramdaman ko pa siyang lumapit at pumagitan sa amin ni papa. Napahawak ako sa pisngi ko, habang nakatingin ako sa sahig.
"Pa bakit mo sinampal si ate?!" Tanong ni Dash. Humarap siya sa'kin at tinignan ako saka tinanong ng "Ok ka lang ba ate?"
Hindi ako sumagot, nakatingin ako sa kaniya habang nakahawak pa din sa pisngi ko.
"Kung ano-ano 'yang pinagsasasabi ng ate mo! E buhay nga ang mama niyo, eto nga siya oh!" Galit na sigaw ni papa.
"Pa lasing ka nanaman ba? Patay na si Mama! Patay na!" Paulit-ulit na sabi ni Dash. Tuloy tuloy ang pagtulo ng luha ko. Ano ba 'tong nangyayari?
"Hindi mamamatay ang mama niyo kung hindi niyo pinagpilitan na magpachemo siya!" Sigaw ni papa kaya naman nanlaki ang mga mata ko.
"Pa, teka lang po. Bakit biglang kasalanan namin? Hindi ba pa gusto nating lahat na magpachemo si mama? Hindi ba't gusto natin siyang gumaling? Bakit kami po 'yung sinisisi mo?" Umiiyak na tanong ko.
"Dahil sainyo! Namatay siya! Nag-usap kami at sinabi kong ipapatigil na lang ang pag kichemo niya dahil mas lalo lamang siyang humihina, ngunit ayaw niya dahil gusto niyo daw siyang gumaling! Kayo ang dahilan ng pagkamatay niya!" Sigaw pa niya pagkatapos ay susugurin sana ako ngunit pinigilan siya ni dash.
"Pa..." nanginginig akong lumapit sa kaniya. "Pa hindi ba gusto nating lahat na gumaling si mama? Pa hindi ba tayong dalawa ang nagdesisyon na magpachemo siya? Diba pa?"
Sambit ko habang patuloy padin ang pagtulo ng aking mga luha. Isang malakas na sampal ang naramdaman ko sa aking pisngi dahilan ng pagkahulog ko sa sahig.
"Ate!" Rinig kong sigaw ng kapatid ko at ang kaniyang paglapit. Diretso akong nakatingin sa galit na mata ni papa habang nakahawak sa pisngi ko.
Lalapit pa sana si papa at sasaktan ako ngunit pinigilan siya ni Dash at sinabing "Ate, tumawag ka ng tulong kina tita. Baka ano pang magawa ni papa kapag hindi ko siya napigilan" aniya. Nanghihina man ang aking katawan ay tumayo ako at tumawag kina tita.
"Tita" wala sa sariling sabi ko.
"Lara? Bakit ka napatawag?" Kaagad na sagot nk tita jada.
"Tita, si papa po. Tulong" nanghihinang sambit ko. Napahawak ako sa upuang nasa tabi ko ng biglang mandilim ang paningin ko.
"Tulong" ulit ko bago ako tuluyang nawalan ng malay.
Nagmulat ako ng mata at bumungad sa 'kin ang medyo brown na kisame. Pamilyar ang amoy ng lugar kaya naman ako nalinga-linga sa paligid.
"Lara! Mabuti naman at gising kana" papalapit na sabi ni Tita Jada sa 'kin.
"Kumusta ka na? Masakit pa ba 'yang pisngi mo?" Tanong niya pa. Napahawak naman ako sa pisngi ko saka umiling.
"Mabuti naman at ganon" tumatangong sabi niya saka pa umupo sa gilid ng kama.
"Tita, si papa po?" Tanong ko. Tinignan niya ako saglit.
"Kagabi ay pinagpahinga namin siya ng makarating kami sainyo, ngayon naman ay..." Huminto siya saglit saka hinawakan ang kamay ko.
BINABASA MO ANG
Whispers of the Rain (Paraluman Series #1)
Teen FictionChase, a law student and Lara, a med student fell inlove with each other. They are both having a hard time with their own course, and a hard time on their own problems. How would they manage to be in a relationship? Can they have a happy ending? Or...