CHAPTER 33

838 21 1
                                    


Ex

Ilang linggo na rin ang nakalipas simula ng makabalik ako sa Pilipinas. Inaasikaso ang tungkol sa bahay namin noon na balak kong bilhin ulit ngunit hindi talaga binebenta ng may-ari.



"Ate diba ngayon 'yung meeting mo?" tanong ni Dash kaya naman ako napatango.



"Pwede akong umalis?" Tanong niya muli.



"May girlfriend ka ba?" Nakangiting tanong ko.



"W-Wala"



"W-Wala" pang-iinis ko. "Sige na, magliwaliw kana" dagdag ko pa kaya naman siya napangiti.



"Kailangan mo ba ng pera?" Tanong ko.



"Kapag ba sinabi kong oo, bibigyan mo ba ako?"



"Syempre hinde, sa yaman mong 'yan?" Umiiling na sabi ko kaya naman siya napangiwi. Architect na si Dash. Nakapagpatayo na din sila ng Mall nilang dalawa ni Cassper.



"Hello?" Sagot ko sa telepono ko na kanina pa nagri-ring.



"Nasan ka? May gas kaba? Sunduin kita" dire-diretsong ani Cassper.




"Nasa bahay, Text mo 'ko kapag nakarating kana" sabi ko saka na ibinaba ang tawag. Wala pang isang oras ay may mareceive akong text galing sa kaniya.



From: CM
Excited magbaba ng tawag, mahal ba kapag may ka tawagan dyan? Nandito na 'ko🙄



Natawa ako ng mabasa at text niya "Dash! Aalis na 'ko!" Sigaw ko bago lumabas.



"Iba talaga ang isang Lara Vega, ginawang driver ang isang Israel Cassper Damian Mendez" aniya pagka sakay ko sa shotgun seat.



"Huwag kang maingay nag-iisip ako" sambit ko habang ang atensyon ay nasa daan.



"Wow, may isip ka pala?" Aniya kaya ako napatingin sa kaniya at sinamaan siya ng tingin.



"Ano iniisip mo? Kagwapuhan ko ba?"



"Tanga hindi, iniisip ko kung saan mo  nanakaw 'tong Ferrari 488" mabilis na sabi ko.



"Grabi ka naman, mayaman kaya ako"



"Kaya ka pala nangungutang ng limang piso sa 'kin nung nakaraang linggo" tumatangong sabi ko.



"Hoy anong nangungutang? Nanghihingi ako hindi ako nangungutang"



"Lah siya oh, Walang libre ngayon hoy! Lahat may bayad na"



"Limang piso nalang ayaw pa ibigay" naiiling na sabi niya kaya naman ako natawa. Nang makarating kami sa hospital ay sumaglit lamang si Cassper dahil may aasikasuhin pa daw siya.





Nagmeeting kame tungkol sa mga bagay na hindi ko alam dahil hindi ako ang nagmamanage ng hospital nang mapatayo ito. Ipinakilala na din ako sa mga empleyado. Maraming nagtaka dahil ang akala daw nila ay si Dash ang may-ari ng hospital dahil sa pamamahala niya rito sa mga nakaraang taon.



"Boyfriend niyo ho ba si Sir Dash?" Tanong ng isang nurse kaya naman ako napatitig sa kaniya. Mukhang alam ko na ang iniisip niya.



"Kapatid ko siya, Ate niya 'ko" nakangiting sabi ko kaya naman siya tumango. Nakita ko pa ang pasimpleng pag-irap niya kaya naman ako natawa. Ipinagpatuloy namin ang pagpapakilala ng mga empleyado at ang mga patakarang gusto ko.



Whispers of the Rain (Paraluman Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon