CHAPTER 01

4.2K 98 39
                                    


Cupids arrow



Naglalakad ako sa hallway ngayon papunta sa library para isauli ang librong hiniram ko. It's a romantic book  called 'She who stole cupids arrow', Ilang beses kona itong binasa pero hindi ako nagsasawang basahin ito.




"Ay puta" mahinang daing ko ng bigla akong napaupo sa sahig ng mabunggo.




Nang may naglahad ng kamay sa harapan ko ay tinanggap ko ito upang makatayo, pinagpagan ko ang aking suot saka ulit napatingin sa kamay na nagaabot sa 'kin ng libro.




"Tha-" hindi ko na natuloy ay sasabihin ko dahil sa gulat ng makita kung sino ang lalaking nasa harapan ko.




"Cupids arrow huh" sabi niya ng maibigay sa 'kin ang libro saka na naglakad papalayo.


"He didn't even say sorry" umiiling na sabi ko habang nakatingin sa lalaking naglalakad papalayo.



"Eh? Why am I expecting a sorry from that guy?" Tanong ko sa sarili ko hanag naglalakad. Siya si Chase Atienza ang kilalang 'supladong gwapo' ng school namin. Madaming humahanga sa kaniya dahil sa talento niya sa pagsayaw at pagkanta, pero parang wala lang sa kaniya ito.





Napailing nalang ako ng maisip ang mga bagay tungkol sa lalaking iyon saka napumasok sa loob ng library.






"Babalik ko na" sabi ko kay Aya na librarian namin.





"Hindi ka ba manghihiram ng bago?"




"Hindi na muna" sabi ko, tumango naman siya kaya lumabas na 'ko.







Ipinasok ko ang dalawa kong kamay sa bulsa ng suot kong jacket, saka na naglakad. Wala daw 'yung next teacher namin kaya maglalakad-lakad na muna ako.






Napaupo ako sa ilalim ng puno, saka tumingin tingin sa field. Halos kaonti lang ang mga taong nandito.




Napatingin ako sa kaliwa ko at napaatras ng kaonti ng makitang nakatingin sa 'kin ang lalaking nakaupo rito. Nakakunot ang noo niya habang pinagmamasdan ako.




"What?" Tanong ko, umiling lang siya saka nagiwas ng tingin. Napailing nalang din ako saka inilabas ang phone ko.




Autumnkhalista: Nasan ka Lara?


Peregrin_Z: Naghahanap yan ng boylet.



Autumnkhalista: Wag mo itulad lahat sayo Z.




VerganzaAra: Nagsalita ang palaging nahahanap ng lalaki.




Autumnkhalista: 😒




Natawa naman ako sa pinag-uusapan nila, they are my friends. Mga baliw ang mga yan kaya sa mga magiging jowa nila ipagdadasal ko nalang talaga.







Lara_vega: Wala ba kayong pasok?




Tanong ko at ilang minuto lang ang lumipas ay may sumagot na dito.




Peregrin_Z: Ikaw mukhang wala kang pasok, nakikipag date ka e.




Nang dahil sinabi ni Z ay napalinga-linga ako upang tignan kung nasan siya.




Peregrin_Z: Sa likod mo





Napatingin naman ako sa likod ko ng mabasa ito, nakita ko si Z at Lia na naglalakad papalapit sa puwesto ko.




Whispers of the Rain (Paraluman Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon