Nagising ako nang umaga dahil sa ingay sa baba, kunot noo at gulo-gulo ang buhok ko na sinuot ang house slippers ko. Hindi na nag-abala pang ayusin ito at tumingin sa salamin.
Maliit ang mata at ayaw pang imulat ang mata ko sa antok. Nang dahil doon ay hinubad ko ulit ang house slippers ko at binagsak ang katawan sa kama. Kinuha ko ang unan sa tabi ko at inis kong pinag-takip sa ulo ko upang mawala ang ingay na galing sa baba.
Bahala sila doon! Umagang-umaga e.
Muli akong nakatulog ng walang pag-aalinlangan. Pagkagising ko ay maaliwalas ang pakiramdam ko. Tinignan ko ang orasan at napangisi ng makita kung anong oras na, tanghalian na.
May pagkain na kaya? Marami pa namang stock sa refrigerator dahil kabibili palang namin noong isang araw. Libre nila.
Inayos ko muna ang sarili ko bago ako bumaba, hindi na rin naman ako nag-abalang magpalit dahil wala naman ata kaming balak umalis ngayong araw. Baka nga humilata lang ulit kami sa kwarto pagkatapos kumain.
Rinig na rinig ang ingay ng TV pagbukas ko palang sa pinto ng kwarto ko. Mabilis akong bumaba para tignan sila pero walang tao sa sala, bukas lang mag-isa ang TV at walang nanonood.
"Lagyan mo ng mantika." Rinig kong utos ni Flyn.
Naglakad naman ako papunta sa kusina kung tamang naroon ba sila. Tama nga ako at naroon sila nakakumpol sa harap ng pinaglulutuan.
Nagluluto ba ang mga 'to?!
"Hoy!" Tawag ko sa kanila.
"Shit!" Napatalon si Enjie na may hawak ng mantika. Sa pagkakagulat niya ay nabitawan niya ang bote ng mantika at nabasag ito sa sahig.
Lahat sila ay nagulat, napatalon ito at umatras upang hindi matamaan ang mga bubog.
"Hala!" Si Ruwen na nakatingin lang sa boteng nabasag.
Binalik ko ang tingin ko sa kalan at nanlaki ang mata. "'Yung kalan! 'Yung kalan!" Sigaw ko at tinuro-turo ang kalan na nag-aapoy.
"Gago!" Sigaw nila na nagpapanic.
"Patayin niyo!" Sigaw ko , nagpapanic na.
Walang fire extinguishers!
Lahat kami ay nagpapanic at hindi alam ang gagawin.
"Kutsilyo!" Sigaw naman ni Ruwen.
"Ha?!" Lumapit ako rito. "Anong kutsilyo?"
"Ay mali! mali! Basahan, dali!"
Binigyan naman agad ni Flyn ang basahan dahil siya ang pinakamalapit sa sink.
"Hindi 'yan! Mas malaki, basain niyo!" Sabi ni Enjie.
"Patayin niyo muna kaya ang kalan?" Singit ko ng makitang hindi parin nakapatay ang kalan at mas lalong lumalaki ang apoy.
"Oo nga pala!" Si Enjie na ang nagpatay.
"Oh!" Nag-abot si Flyn ng basahan. Tumutulo pa ang tubig sa dulo nito.
Agad kinuha ito ni Calvin at pinagtakip sa kalan. Napabuntong hininga ako ng makitang wala ng apoy. Ganoon din sila at nagtinginan.
"Muntikan na 'yon ah." Si Flyn na wala ng damit ngayon.
"Bakit ka nakahubad?" Kunot-noo kong tanong.
Napakamot ito sa ulo at tinuro ang kalan. "Ayun oh."
Napailing ako. Ginawa palang basahan ang damit niya. Naupo ako sa bar stool at tinignan silang maglinis, nagsisihan pa ang mga ito.
BINABASA MO ANG
Rhythms and Skies
General Fictionfierce, an underrated boy band who creates music and lives in La Glancè. What will happen if they meet Lilacaine Andreah Samson; an orphan, and have only two remaining years to live? this story revolves more about life, passion, and friends.
