Dalawang araw mula ngayon ay pasko na. Narito kami ngayon sa studio sa baba habang may inaayos silang isang kanta na i rerelease nila sa bagong taon. Tapos naman na ito kaso pinakainggan lang ulit para masiguradong malinis at walang nalimutan lyrics o sablay na notes.
Pagkatapos ay sabay-sabay kaming nagpunta sa taas, kung nasaan ang mga kwarto nila. Pumasok kaming lahat sa kwarto nila Indigo at agad naman akong humilata sa kama, sumunod naman din si Calvin sa tabi ko. Nagsisikan kami sa isang kama habang ang iba ay nasa baba.
Umayos ako ng upo at sinandal nalang ang likod ko habang yakap-yakap ang unan, tinitignan sila Ethan at Indigo na mag-ayos ng gamit nila.
"Anong gagawin niyo sa pasko?" Tanong ni Calvin.
"Uuwi ako sa amin." Sagot naman ni Ethan habang nilalagay ang damit niya sa bag na dadalhin niya. "Kayo?" Tumingin siya sa amin.
I rolled my eyes, anong gagawin ko rito sa bahay? "Matutulog." Sagot ko.
Halos lahat sila ay uuwi sa kanya-kanya nilang bahay kaya tumayo din sila at nag-ayos ng gamit. Lumapit naman si Calvin sa akin. "Aalis ka din?" Tanong nito sa akin.
"Saan ako pupunta?" Tinaasan ko siya ng kilay. "Dito lang sa bahay, ikaw ba?"
Baka kasi may balak siyang puntahan sa pasko, baka sa bahay ampunan lagi naman siyang welcome doon.
"Wala." Humilata ito at tumingin sa kisame. "Tayo nalang dalawa mag celebrate!"
"Ano pa nga ba." Sagot ko.
Kinabukasan ng umaga ay umalis sila kanya-kanya, sabi nila ay tatawag sila sa amin mamayang pagpatak ng alas dose. Tinignan lang namin silang umalis sa gate at kumaway sa kanila at sinabihang mag-ingat.
Sabay kaming napabuntong hininga ni Calvin pagka-alis nila, nagkatinginan kami at natawa nalang. Nakakapanibago na walang tao ang bahay, naging tahimik ulit ito at walang naririnig na tawa o bangayan sa loob.
Nang mabagot kaming dalawa kakanood ng movie ay nag-aya itong pumunta sa mall mamili daw kami ng regalo kaya nagbihis naman kami at lumabas.
"Burahin mo nga 'yan!" Utos ko sa kanya at sinamaan siya ng tingin pero mabilis din binalik ang tingin sa kalsada dahil ako ang nagmamaneho.
Rinig kong bumulong ito at tumawa ng malakas.
Inirapan ko nalang ito at pinagpatuloy ang pagmamaneho. Mabilis din kaming nakarating bumaba ako at mabilis kinuha ang cellphone ko sa may bulsa dahil may pakiramdam ako na pinagtatawanan na naman ako ng mga hinayupak. Tama nga ako, ako ang pinag-uusapan sa groupchat namin.
Sinipa ko si Calvin na tatawa-tawa parin sa tabi ko nag peace sign ito sa akin at umaktong ziniziper ang bunganga nito. Inakbayan ako nito at sabay pumasok sa mall. Nag-ikot ikot lang kami at bumili ng pagkain. Pumunta siya sa bilihan instrument shops at bumili ng bagong pick, regalo niya daw sa sarili niya.
Lumipas ang oras na nabagot din kami kakain kaya umupo kami sa may gilid, tinignan ko ang oras at nagulat ng mag gagabi na pala. Kumunot ang noo ko ng makitang may message si Enjie sa akin.
Enjie Oliver Brizuela: asan kayo?
Nireplyan ko ito na nasa mall kami ni Calvin. Tinanong ko naman si Calvin na busy sa pagkain ng ice cream sa tabi ko kung nag message daw si Enjie sa kanya sagot naman niya ay hindi kaya pinakita ko ang message sa kanya.
"Oh, akala ko ba uuwi ka sa inyo?" Tanong ni Calvin sa kanya ng sunduin namin siya sa isang subdivision dito sa La Glance.
"Walang tao e, umalis daw sila." Sagot niya at binuksan ang pintuan ng sasakyan sa passenger seat at binagsak ang sarili doon. Tumingin ito sa rear view mirror at inayos ang buhok.
BINABASA MO ANG
Rhythms and Skies
General Fictionfierce, an underrated boy band who creates music and lives in La Glancè. What will happen if they meet Lilacaine Andreah Samson; an orphan, and have only two remaining years to live? this story revolves more about life, passion, and friends.
