"Ako!" Hinigit pa ni Ruwen ang bag kay Calvin. Pinag-aagawan pa nila ang bag konti nalang ay masisira ang hawakan nito.Nakatingin lang kami sa kanila habang sobrang dilim parin sa labas. Ang headlights lang ng mga kotse ang magbibigay ng liwanag sa daan. Dala-dala pa namin ang mga bag namin na nasa likod namin habang palabas kami sa bahay.
Hinayaan ko nalang silang dalawa doon at pumunta sa likod ng kotse para ilagay ang mga gamit namin. Sumunod din sina Flyn at Enjie sa akin para ilagay ang gamit nila, Si Indigo at Ethan ay nasa loob na ng kotse dahil sila ang mag d-drive samin ngayon.
Pagbalik namin ay nag-aaway pa ang dalawa. "Parang mga bata amputa." Enjie hissed, mukhang badtrip pa dahil sa aga ng gising namin. Kala mo hindi siya ang nag-aya samin na mag baguio!
"Akin na nga 'yan." Agaw niya sa bag na pinag-aagawan nila at nilagay ulit sa likod ng kotse. Walang nagawa ang dalawa kundi magtigil.
Binagsak ni Enjie ang katawan sa pinakalikod at pumikit ulit para matulog, kay Ethan ito sumakay kasama si Flyn na natulog din. Kawawa naman si Ethan at walang kausap.
"Doon ka kay Ethan ayaw kitang kasama!" Pagtataboy naman ni Ruwen kay Calvin at tinulak-tulak pa mga 'to.
"They're annoying." Singhal ko at sumakay sa shotgun seat katabi si Indigo.
"Yeah." Sagot naman ni Indigo na nakasandal sa kanyang upuan, hinihintay ang mga kasama namin.
"Ilang araw na 'yan nag-aaway!" Sumbong ko rito na sinagutan niya lang ng ngisi at kibit balikat.
I'm used to them fighting a lot, kahit sa maliliit na mga bagay. Some petty things na pinapalaki nila. Parang mga bata!
Dinig ang busina ni Ethan sa likod dahil kami ang nasa harapan at hindi pa sumusulong ang kotse namin. Binuksan ko ulit ang pinto at tinignan ang dalawa ng masama. "Ano iiwan namin kayo o sasakay kayo dito?" Nakataas na kilay kong tanong sa kanila.
Agad naman silang pumasok sa loob pero hindi pa rin magkatabi. Daig pa nila ang bata kung mag-away! Rinig naman ang mahinang tawa ni Indigo habang nakatingin sa rear view mirror.
Binuksan ko ang radio nang sumulong na ang kotse namin. Kasunod sa likod sina Ethan pero nagawa nilang ma overtake-an kami paglabas namin ng subdivision.
"Reckless driving," Bulong ni Indigo na may halong pang-aasar ang boses.
Madalas tahimik si Indigo pero masyado na silang dikit ni Ethan kaya nabibiro niya ito. Ganoon din sa amin ngunit kung may kasamang ibang tao siguradong hindi magsasalita si Indigo, madaldal lang siya kapag musika ang pinaguusapan at kami ang kasama niya.
Sabi nga nila sa magkakaibigan ay may sanggang dikit, mga kambal na hindi naman magkasama ang bituka noong pinanganak, kung iisipin 'yon, Sina Indigo at Ethan ang magkasama dahil parang silang dalawa ang mas nakakatanda.
Si Flyn at Enjie naman ay pareho ng hilig, same vibes. Pareho silang maloko, si Flyn ay may pagkatahimik minsan pero dahil 'yon lagi siyang tulog at nakaidlip. Habang si Enjie ay maloko, madaldal, at laging nang-iinis. They said he's a playboy, in some chapters of his life I couldn't defend hinm because he really was, noon nga ay inis na inis ako tuwing may bababang babae mula sa second floor paggising ko. Ang kinaiinisan ko ay sa kwarto nila Kuya niya ito dinadala!
Pero ngayon, hindi na. Changed person na daw siya sabi ng gago.
At kung aso't-pusa lang naman ang pag-uusapan ay sina Calvin at Ruwen 'yan, siguro dahil sila ang pinakabunso. Malapit lang ang mga edad nila kaya sila ang naging malapit sa isa't-isa, pareho din silang isip bata.
BINABASA MO ANG
Rhythms and Skies
Ficción Generalfierce, an underrated boy band who creates music and live in La Glancè. What will happen if they meet Lilacaine Andreah Samson; an orphan, and have only two remaining years to live? this story revolves more about life, passion, and friends.