Thirty-fourth Step

60 4 1
                                    

"Tapos color green next bead, Lilac," Turo sa akin ni Ruwen habang ako naman ay magka-duling duling na sa pagkuha ng color green beads sa lalagyanan.

Nagkahalo-halo kasi kanina dahil naaapakan ni Calvin at nagkalat lahat ng mga kulay. Naghahabulan kasi silang dalawa ni Enjie sa dahilang nag-aasaran na naman. I swear to all the saints, if this household gets peace in a day I would thank them all. Parang ang labo mangyari, araw-araw ata ay gyera dito sa bahay. Kung hindi sila nag-aasaran ay maingay naman sa studio.

Actually, nabigyan naman na ng katahimikan ang bahay na 'to but that's different kind of silence. And I don't want to hear that kind of silence ever again.

I eventually gave up on making those beads bracelet because it requires a lot of patience if you want your craft to be nice, and rightnow I don't have patience for that. In the end, I just watch Ruwen made a total of Seven beads, tig-iisa kami. 

"Eto kay Lilac, color purple kasi lilac pangalan mo. May design din na sun diyan," Binato niya sakin ang ginawa niya na agad ko namang nasalo. It's a mix of purple and white color, on the middle of that is a sun pendant. Sinukat ko ito at sakto't nagkasya naman, sinukatan kami bago gawin e. 

"Bakit sun?" I asked.

"Wala lang." Walang kwentang sagot niya, binato ko siya ng unan pero tinawanan lang ako at hindi sinagot. 

"Oh pre, sa'yo 'to. Color blue naman. May design na dolphin 'yan," Sabi niya at binigay kay Indigo na katabi niya lang.

"Thanks bro." They even fist bomb.

"Hoy sa'kin nasaan na?!" Sigaw ni Enjie.

"Maghintay ka gago!" 

"Bagal e." 

"Oh, yellow!" Binato niya 'yon at tumama sa tiyan ni Enjie. May degisn na fox 'yon, tinignan ko habang ginagawa niya.

Kulay green naman ang kay Flyn na may design na panda dahil lagi daw itong tulog. Habang puti ang kay Ethan na may pendant na aso, kamukha niya daw kasi sabi ni Ruwen. 

Tatawa-tawa naman siyang binigay kay Calvin ang kanya, kulay green and white din ito. Kunot-noo ni Calvin habang tinignan, bumulong-bulong pa 'to na hindi namin marinig. Tinignan niya si Ruwen ng masama at nagsimula na silang magtakbuhan sa sala.

"Gago ka! Ba't palaka 'to ha!" Sigaw ni Calvin habang hinahabol si Ruwen na tumatawa.

"Mukha ka kasing kulogo!" Humahalakhak na sagot ni Ruwen.

Tawang-tawa kami habang pinapanood silang mag-rambulan sa sala. Hindi ko alam kung paano sila naging twins of the group e palagi naman silang nagpipikunan.

"Gusto kong patattoo," Biglang sabi ni Enjie habang nanonood kaming tatlo nina Flyn sa sala, alas syete ng gabi. 

"Saan?" Tanong ni Flyn na yakap ang unan sa maliit na sofa. 

"Ewan ko kahit saan. As in ngayon na." Tumawa pa siya.

Napa-isip naman ako. Gusto ko din, as in ngayon na din. I've been thinking for months now of getting a minimalist tattoo with a specific design but I just don't have the right time of getting it and also not to mention that it might hurt a lot they say. 

"Let's go!" Tumayo ako.

"Huh? Tattoo?" 

Tumango ako kay Enjie. "Oo! Tara! Ayaw mo na ba? Takot ka sa needles 'no?" Asar ko pa.

"Huh! Basican ko lang 'yon. Arat!" Tumayo din siya.

"Sama 'ko," Sabi naman ni Flyn.

"Pa-tattoo ka din?" Tanong ko, he just shurgged and smirk. 

Rhythms and SkiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon