"Be a good girl, huh? Wag mo pinapasakit ulo ni Kuya at Lola mo," I ruffled Elise hair as we swayed our hands in air together.
She smiled at me and nodded. "Opo, Ate! Promise," She offered her pinky, so I took it.
Humarap naman ako kay Lola Cita pagkatapos. "Maraming salamat po sa lahat, Lola." I said before pulling her into a hug. "Mahal ko po kayo, sobra." I whispered on her ears.
Lola pats my head and hug me even tighter. "Mahal din kita. Para na kitang apo e," She said. "Mag-iingat kayo ano? Kapag may oras bumalik kayo rito."
Dahil ayoko siyang biguin, tumango ako...at umaasa rin ako na makakabalik ako rito. "Opo, Lola. Mauna na po kami." Kumaway ako bago sumakay sa sasakyan.
Ethan talked to his family first kaya siya ang nahuling pumasok sa SUV. Siya rin kasi ang mag d-drive dahil mas kabisado niya ang daan rito.
Muli kong tinignan ang bahay nila Ethan mula sa bintana. Elise and Lola Cita's still waiting for our car to go kaya kitang-kita pa rin silang dalawang nakatanaw sa amin, habang si Elise ay kumakaway. From here, you can see the dusty and messy backyard they have, the kubo is gone. Pinapagawa na kasi iyon, pinag-ipunan talaga ni Ethan ang pag-papagawa ng bahay nila.
Ethan, he's the most ideal of all. Marunong siyang magtipid and he knows what he wants, diretso ang mata niya sa goal niya kaya ayan, unti-unti na niyang natutupad ang mga pangako at pangarap sa pamilya niya. And all of us is proud of him.
Kaya din single e.
Natawa tuloy akong mag-isa.
I just hope everyone of them will find a girl who will love them and vice-versa, I hope when they found that girl or boy, they get what they deserve. and I know my friends are capable of loving unconditionally, some of them grew up with lack of parental affection...kulang sa pagmamahal.
But I know despite of that, they still know how to love right.
Dahil ako ngang kaibigan lang, minahal nila ako na parang pamilya, higit pa sa isang kaibigan; ano pa kaya kung mahanap na nila ang para sa kanila? That person would be so lucky.
"Lalim lods, medyo nalulunod ako." Biglang epal naman ni Enjie na nasa harapan ko.
Sinipa ko ang upuan niya at umirap. "Ano?"
"Bayolente parin putek," Bulong niya. "Wala! 'Yong iniisip mo kako napakalalim."
"Wala, may naisip lang."
"Sus, may bulong ako dito," Inutusan pa akong lumapit sa kanya, but despite of his annoying stare nilapit ko parin ang tenga ko. "Si Flyn ba 'yan? Wag ka mag-alala iniisip ka rin niyang habang natutulog."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya ay agad umayos ng upo. "Siraulo gago!"
"Lutong noon ah!" Humalakhak sila habang nakatingin sa akin.
"Hyper mo ngayon tulog ka muna," Paalala ni Calvin.
My heart was so heavy as I hugged the kids in orphanage lalo na si Nica na napamahal na sa akin. Si Poyong na lagi rin akong binibiro, all of them, I hugged each one of them. Nilakihan ko ang mata ko fooling myself into believing that it would stop my tears from coming out.
But as the weak person that I am; hindi ko napigilan.
It was just so heartbreaking, as if my heart is weighing more than its normalcy. Hindi ko madala sa sobrang bigat.
Ayokong bumitaw sa yakap dahil natatakot ako at nasasaktan sa katotohanang huling pagkakataon ko na ito. This would be the last time that I will get to see their genuine big smile that once welcomed me so warm. Naalala ko noong una akong dalhin rito ni Calvin, they were much younger and I was much stronger.
BINABASA MO ANG
Rhythms and Skies
General Fictionfierce, an underrated boy band who creates music and lives in La Glancè. What will happen if they meet Lilacaine Andreah Samson; an orphan, and have only two remaining years to live? this story revolves more about life, passion, and friends.
