When morning came everyone was still talking about what happened last night, they keep glaring at me. I just arched my brows, mga hindi maka move on e. Days like this are usual. Gigising, manonood ng cartoons with Ruwen sa living room, pupuntang kusina at hihintayin ang luto ni Ethan.
"Tagal ko ng hindi nag babasketball pre." Calvin said, nag d-dribble pa kahit wala bola, boys as usual.
I observe Calvin, bilib din ako sakanya e parang hindi umiyak kaninang madaling araw. It's so obvious, his eyes are still puffy he's just trying to hide it with his silliness. People like him are admirable.
How can you show to the world you're happy when you are almost falling apart every night? How selfless can you be? Kailan mo kaya iisipin ang sarili mo at hindi ang ibang tao? Kailan darating 'yung araw na aamin ka sa ibang tao na hindi ka ayos? These thoughts ran on my mind staring at Calvin who's talking happily with the boys.
"Olats ka naman lagi e." Asar ni Enjie sa kanya.
"Ulol natalo lang ako noong last game natin dahil masakit paa ko!" Depensa naman niya.
"Mama mo masakit paa." Enjie rolled his eyes and went to Ethan, tumingin sa niluluto. Wala naman siyang maambag dahil hindi siya marunong magluto.
"Ina mo pangit mo mag joke." Tila pikon na sabi ni Calvin at umupo sa tabi ko humarap ito sakin. "Lilac tara basketball." Pag-aaya niya, nakasandal pa ang ulo sa upuan.
"Tinatamad ako."
Shocked was evident on his face I find it funny kaya tinawanan ko ito. "So ugly." I joked.
"Pero marunong ka?" Tutok pa rin ang atensyon sa'kin.
I shrugged. "Ewan ko."
"Ang ayos mong kausap pre." He rolled his eyes.
"I'm not in the mood to play today." I chuckled.
"Tara na laro!" Pagpupumilit niya.
Hindi ko ito pinansin at inirapan nalang tinignan si Ruwen na nakatingin samin at tinaasan ng kilay, inirapan ako nito. I gasped, attitude! Ang aga-aga.
"Hindi pa luto, Ethan?" Naiinip na tanong ko, nakahawak sa baba.
"Konti nalang, Master!" Si Enjie ang sumagot na nanonood sa kanya sa gilid.
"Gutom na'ko," Reklamo ni Flyn binitawan ang gitarang hawak niya at hinawakan ang tiyan.
"Edi sana kayo nag luto."
"Kala mo naman marunong ako. Bilis pre tagal naman niyan." Pagmamadali niya pa kay Ethan at tumingin sa gawi namin, facing Calvin who's obviously oblivious on what's happening around him because he's spacing out.
"Calvin!" Tawag ni Flyn sakanya pero parang walang naririnig itong katabi ko. Ilang beses pa nitong tinawag pero wala talaga. Salubong ang kilay akong hinarap ni Flyn. "Batukan mo nga 'yan Lilac."
Natatawa naman akong binatukan si Calvin na napatalon sa upuan kaya ang tuhod niya ay tumama sa kanto. Magkahalong pag-iinda sa sakit at inis akong hinarap ni Calvin.
"Ina-ano ba kita?!" Imbes na magalit ako sa pagsigaw niya ay mas lalo lang akong natawa. "Kagabi ka pa."
"What?" I asked, pretending to be innocent. "Pinapabatok ka ni Flyn e!" Tinuro ko naman si Flyn na tumatawa rin.
"Kanina pa kita tinatawag ano bang tinignan mo sa kisame at tutok na tutok ka." Natatawang tanong ni Flyn.
"Wala may langgam lang." Kumunot ang noo ko, langgam? Napatingin ako sa taas at hinanap ang langgam na sinasabi niya, wala naman. Ang taas ng ceiling paano niya nakita 'yung langgam e ang liit liit lang noon?

BINABASA MO ANG
Rhythms and Skies
Ficțiune generalăfierce, an underrated boy band who creates music and lives in La Glancè. What will happen if they meet Lilacaine Andreah Samson; an orphan, and have only two remaining years to live? this story revolves more about life, passion, and friends.