Tenth Step

68 4 0
                                        

"Mamaya ka na mag-tanong, tara!" Hila niya sakin gamit ang isang kamay habang ang isa naman ay hawak ang mga pagkain.

Nagtataka man ay sumunod ako. Tinignan ko ito habang hinihila niya 'ko kung saan. You can't see any other emotion than happiness, he's all smile.

Calvin's genuinely happy, this is foreign, I've seen him laugh with his friend but this is really new to my eyes. It's warming.

"Ayan na," Rinig kong bulong niya kaya itinuon ko ang atensyon ko kung saan siya nakatingin.

"Sino sila?" I asked, nakatingin sa mga batang nag-lalaro sa playground.

"Mga kapatid ko." Aniya.

Nanlaki ang mga mata ko. "Huh? Lahat sila? Ang dami naman."

Pinitik nito ang noo ko at tumawa. "Mamaya."

Hinila nanaman ako nito sa isang sulok upang magtago. Siniksik namin ang sarili namin sa isang sulok pilit tinatago ang katawan.

Nakatingin ito sa mga bata na puno ng adorasyon. Ang saya niyang tignan.

"Ayan na." He said and chuckled. "Pst! Isha!" Tawag niya sa isang batang paslit na naglalaro at naghahanap ng matataguan.

Sa palagay ko ay 9 years old na ito, morena ang kulay ay nakatirintas ang buhok suot ang kanyang mukhang lumang ng damit. Naawa ako bigla, hindi ko alam. When I was child I admit that I was spoiled brat gusto ko lahat ng damit ko branded and I didn't know there were some kids out there who's happy wearing anything.

Nanlaki ang mata ng bata at napahawak sa bibig gamit ang dalawang kamay. "Hala siya." Dinig kong bulong niya. Titili sana ito ng sinenyasan siya ni Calvin na wag maingay. Tumango-tango ang bata at dahan-dahang lumapit sa amin.

"Hala siya, Kuya Kylo!" Gulat parin ang mukha ni Isha.

"Bakit ganyan 'yung mukha mo." Natatawang turo ni Calvin sa bata.

"Hala, totoo ka po?"

"Mukha ba akong multo, Isha?" Pinitik pa nito ang noo ng bata.

Napakamot naman ang bata sa noo niya. "Hala, totoo nga. Masakit 'yun e." Lutang na sambit nito.

Tumawa si Calvin at tinaas ang dala niyang pagkain. "Surprise!"

Tumalon-talon ang bata sa tuwa. "Yehey! Paborito!"

"Ganito, Isha." Sumeryoso naman si Calvin. "Sinong taya sa inyo?"

"Si Poyong po."

"Ganito, pag nakumpleto na kayo sabihin mo may nahanap ka dito banda, ituro mo sila ha? Tapos magtatago muna ako dito habang naghahanap pa si Poyong."

"Bakit hindi ka nalang po magpakita gusto mo pa pong nahihirapan?"

"Dami mong tanong 'no? Ano ayaw niyo ba 'to? Bahala kayo, uuwi na kami." Aniya at nagkunwaring maglalakad sana papalayo.

"Syempre joke lang po! Eto na!" Aniya at tumakbo at pumunta sa agad na makikita, kunwari lang na nagtago.

Tumatawang nanonood si Calvin sa tabi, tinignan ko din ang mga bata at napapangiti. They look so happy. Masaya pala sigurong may kalaro 'no? Sana naranasan kong may kaibigan noong bata ako. I envy them, pero mali ito kaya piniling ko ang ulo ko at naging masaya nalang para sa kanila.

"Napaka-pikon talaga ni Shiela."

"Sino?"

"Iyon oh," Turo niya sa batang cute at chubby na umiiyak.

"Bakit mo 'ko tinaya agad Poyong!" Dinig kong reklamo niya at humihikbi pa.

"Syempre naglalaro tayo edi sana sinabi mo wag mo 'kong hanapin, Shiela naman na istress ako sayo sis!" Maarteng saad ni Poyong na nagpagulat sakin.

Rhythms and SkiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon