Fourteenth Step

53 5 0
                                    

"Ganito ba?" Tanong ni Ruwen habang naka pogi sign sa harap ng salamin. He's even winking on it and I was just like looking like, is he for real?

Napatampal ako ng noo sa kanya. "Mukha bang nagbabanda 'yan, Ruwen?"

"hehe ewan ko." humarap ito sa'kin at nag peace sign. 

"Mag-ayos ka na nga doon! Ikaw nalang ang hindi nakabihis e."

"Eh, hindi pa sila tapos maligo e." He pouts, ang sarap bigwasan.

"Anong hindi? Tapos na sila! Nagbibihis na." 

Pinagkaabalahan kong i-check ang lighting dahil matagal-tagal ko na itong hindi nagagamit. Kagabi pa namin inayos lahat ng kinakailangan sa set kaya kung titignan nga rito parang binagyo ang likod ko, napa buntong hininga ako. Bahala silang mag-linis mamaya.

Nang masiguradog ayos na ang kakailanganin namin mamaya ay bumalik ako sa taas. Nakita ko ang iba na nasa sala, nagtatali ng sintas sa sapatos. 

"Tapos na kayo?" Tanong ko.

"Hindi pa." Sagot ni Enjie. "Ang gwapo ko sa suot ko 'no, Lacaine?"

Napairap ako. "Ang hangin ah? Oo nalang."

"Totoo naman ah!" 

I chuckled. Tama naman, they look handsome on their clothes today. They are not on their usual clothes dati kasi pantalon at t-shirt lang ang mga 'yan e o kaya naman jogger, minsan nag de-denim. 

"Lilac, tapos na 'ko!" Si Calvin na agad pumunta sa tabi ko pagkatapos mag-sintas ng sapatos at tumatalon-talon pa.

"Tara na aayusan na kita?"

"Huh? Anong aayusan?"

"Malamang papatuyuin natin 'yang buhok mo tapos aayusin natin. Dito na!" Hindi ko na ito hinintay magsalita at pumunta na agad sa kwarto ko kung saan ko sila aayusan. Sinaksak ko agad ang hair dryer at sinidian ang ilaw ng vanity mirror ko. Nilingon ko si Calvin na humilata sa kama ko tinignan ko ito ng masama kaya agad naman siyang naupo sa may harap ng vanity mirror at tinignan ang sarili.

"May skin care ka?" Biglaang tanong niya sa'kin.

"Of course I have. Skin care is a must!"

"E, nag ca-care naman ba 'yang skin mo?" Tumawa pa ito.

I raised my brows at him. Itinapat ko ang mukha ko sa kanya. "May pimples? Clear skin 'to!"

"Sana all clear skin." Biglang epal ni Ruwen na nasa likod na pala namin at naka-upo na sa kama ko. "Tinignan niyo may pimples nako e wala naman akong crush!"

Lahat sila ay nasa kwarto na at nag-iingay habang inaayusan ko sila isa-isa. Bagong ligo naman sila kaya hinayaan kong humilata sa kama kung hindi baka pinalayas ko na sa kwarto ko ang mga 'to. 

Kalkal pa ng kalkal ng mga gamit ko! Tingin ng tingin sa mga pictures ko tapos pinipicturan pa ng mga walang-hiya!

"Wag niyong popost 'yan!" Banta ko sa kanila at sinamaan ng tingin. Si Flyn pangisi-ngisi pa alam na alam na may balak na masama. 

Dapat talaga hindi ko na ginawan ng mga account 'to sa mga social media accounts e! Meron lang kasi sila facebook, kagagawa ko lang noong isang araw sa kanila ng twitter at instagram, gumawa rin kami ng youtube channel nila. 

Parang ako na ang manager dito pero walang sweldo, badtrip!

Nang matapos si Indigo, sumunod umupo si Enjie. Hindi naman kasi ako nahirapan mag-ayos sa kanila, kahit anong tanggi at pambabara ko sakanila madalas hindi naman maipagkakaila na may itsura ang mga kaibigan ko kahit ata nakapang-gusgusin sila na damit ay may luluhod na babae sa kanila.

Rhythms and SkiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon