One week and two days. Days passed too slow, parang ang isang minuto ay nagiging isang oras, ang isang oras ay nagiging isang araw, ang isang araw ay nagiging isang linggo, that's how I describe my days.
Plain, empty, and slow.
Akalain mo dati kulang pa ang isang araw para sa akin, para sa amin. Parang kung dati nga kulang nalang ay hilingin ko na sana hindi na matapos ang isang araw na puro lang tawa pero bakit nagiging totoo ata ang sabi ng ibang tao na hindi dapat araw-araw masaya?
Dahil ngayon, nabilang ko na ang taong dumadalaw, ang ibong lumilipad, kung ilang eroplano na ang dumaan pero kay bagal pa rin ng oras.
Ayokong ipakita sa ibang tao na mahina ako, kahit totoo naman. Kaya ngayon mag-isa ako ramdam na ramdam ko ang lungkot, ang pag-iisa. Para lang akong lantang gulay na naka-upo sa harap ng pamilya ko.
Hindi na rin ako umiiyak, tama na ang isang gabi, I've lost the biggest part of me a year ago...ano naman kung maiwan ako ulit, hindi ba?
I stayed in Batangas for one week and two days, kada umaga dito ako magpapalipas ng oras dahil itong lugar lang naman na ito ang naging santungan ko, babalik sa hotel ng dis-oras ng gabi para matulog, that's how my days went.
Baka ganoon na nga sa susunod pa na mga araw pero hindi ko ikukulong ang sarili ko dito. Maybe, I considered this as my rest. Where I shut down all the people around me and forget that I am living in this world because sometimes barely existing is what makes life bearable for me.
Nagsisi ako ilang oras ang dumaan ng hiniling ko na sumama sa pamilya ko dahil alam ko hindi nila magugustuhan ang sinasabi ko. I know they want me to live my life because that's what they're trying to do for the past years.
My parents did everything to prolong my life. My brothers gave me an unconditional love and I could not ask for more. I've always thought that I'd be spending the rest of my life with them but they spent the rest of their lives with me instead and I'm thankful for that because I know, they left loving me completely and beyond unconditional.
In the past days na mag-isa ako andami kong na realize, thoughts are just simply running on my mind and they made sense. Kagaya ng; I've been living my life for other people and this time, I want to live for myself. I want to this for myself, this time.
Gusto kong maging masaya para sa sarili ko, I want make myself proud one day, I want to whisper on my very last day the words, you've made it. Gusto kong mabuhay para sa sarili ko at hindi na dahil sa ibang tao.
This time I'll try my very best to love myself, to take care of myself, to make myself happy.
Iniisip ko palang, parang ang hirap ng gawin pero para sa sarili ko, kakayanin ko.
"I'll make you proud, up there." I touched the tomb of my mother bago tumayo.
Wala naman akong balak umuwi sa La Glance kung hindi lang ako tinawagan ni Sister Isabel na hinahanap daw ako ni Nica at gustong ako ang kasama sa chemotheraphy niya ngayon. Wala naman akong nagawa kung hindi pumayag kahit na ayoko pang bumalik sa La Glance.
Dumiretso ako sa hospital dahil iyon lang naman ang punta ko dito sa La Glance. Suot ni Nica ang wig na bigay ko sakanya noon, naka braid pa ito. Ang saya pa nito ng makita ako kahit na nanghihina siya.
I just hugged her back and told her na sasamahan ko siya today just like what she wanted.
"Ang tagal mo po 'di nagpunta dito e. Sabi po ni doctora pwede na daw ako umuwi pagtapos po neto. Excited na po ako umuwi Ate!"
"Really? then you'll do well today, so you can go home na, 'kay?"
Tumango siya. "Yes po! pero iiyak po ako kasi masakit pero para po umuwi na 'ko 'di ko po papahalata. Miss ko na po maglaro e," Ngumuso pa ito.
BINABASA MO ANG
Rhythms and Skies
General Fictionfierce, an underrated boy band who creates music and lives in La Glancè. What will happen if they meet Lilacaine Andreah Samson; an orphan, and have only two remaining years to live? this story revolves more about life, passion, and friends.
