Fifteenth Step

50 4 0
                                    

Kumunot ang noo ko sakanya at ganoon din siya sa akin, I can't remove my shades since I'm holding this bunch of foods I bought. Gustong-gusto ko pa naman itong tanggalin dahil malabo ang nakikita ko dahil sunglasses ito at kulay itim ang lenses. "Indigo?" I asked again, making sure if it's really him.

"Lilac?" He also asked, lumingon sa sasakyan ko at ibinalik ang tingin sa akin. Ngayon ay sigurado nang ako ang nasa harapan niya.

Kumunot ang noo ko, nagtataka parin kung bakit siya narito. "Did you follow me?"

"Ano?" Turo niya sa sarili niya.

"Did you follow me?" Ulit ko.

"Why would I?" 

"Why are you here then?" 

"I'm going to visit someone, ikaw bakit ka narito? Bakit hindi mo sinabi?"

"You know what, how about help me first? Nangangawit na ako." Reklamo ko at binigay sakanya lahat ng dala-dala nabigla pa ito at hindi alam kung paano niya dadalhin lahat, hindi kasi organize sa kamay niya. Napatawa tuloy ako pero hinayaan ko lang at kinuha ang susi sa museleo. Binuksan ko ito at nilingon siya, sinenyasan siyang sumunod sa akin. Binuksan ko ang generator pagkatapos ay binuksan ang aircon dahil nakaramdam ako ng init, hindi naman tirik ang araw pero ang init dito!

Empyerno 'to?! Sigurado naman akong sa langit ang punta ng pamilya ko 'no!

"Saan ko lalagay 'to?" Si Indigo na nakatingin sa apat na tomb.

Iniwas ko ang tingin ko roon at tinuro nalang sa kanya ang lamesang gawa sa marmol sa may gilid. Lumabas ulit ako at binuksan ang kotse para kunin ang natirang gamit ko doon at sinara ko agad iyon. Paglingon ko ay nakita ko agad si Indigo sa tabi ng pinto nakatingin sa akin.

Ngumiti lang ako sa kanya at naglakad pabalik. May apat na hagdan bago makapasok sa museleo namin, nasa huli si Indigo ng makaapak doon ay lalagpasan ko sana.

"Lilac." May himig ng pag-aalala sa boses niya.

I bit my lips. "Hmm?" I replied like nothing is going on.

Hindi naman siya tanga para hindi agad magpatugma-tugma ang lahat ng nangyayari ngayon. I was never ready for this. I was never ready for anyone of them to know who I really am. Ayokong malaman nila dahil sa tingin ko ay masasaktan ako lalo kapag nakita silang malungkot sa akin. Hindi ako handa na malaman nila kaya nga kahit na sama-sama lang kami sa isang bahay hindi ko binabanggit ito, ang dami na naming napagdaanan magkakaibigan kahit halos sa kanila sa akin lumalapit, na halos sa kanila sinasabi ang buhay nila sa akin.

I was used of not telling anyone my problem or feelings kasi sino namang pagsasabihan ko, wala naman hindi ba? I was used of breaking down then the next day or week after, I pretend like nothing happened. 

"Teka lang ah." Umalis ako sa harap niya at nilagay sa mesa ang pagkain ulit. Kinuha ko ang walis at nagsimulang magwalis para mawala ang alikabok sa sahig. Ramdam kong nakatitig ito sa akin ngunit pinagpatuloy ko lang ang pagwawalis at kunwaring hindi siya napapansin.

"Lilacaine Andreah." Tawag niya ulit pero pinili kong magbingi-bingiian at ipagpatuloy ang ginagawa ko.

Bakit naman kasi ganito e, bakit kailangan pa niyang malaman? Bakit ngayong hindi ko alam ang sasabihin ko? Na ano? Na Oo, pamilya ko 'yang nakahiga diyan. Pangalan ng mahal ko sa buhay ang nakasulat sa lapida? Oo, mag-isa nalang ako. Parang ayokong sabihin, parang ayokong malaman kung anong magiging reaksiyon na. Ayokong kaawaan ako, ayokong mag bago ang turing nila sa akin.

I am strong, I'd like to think of that. I want to show him that I am. Ayokong may makakita sa akin na mahina ako dahil sanay sila na masaya ako, matapang ako. Kinakaya ko naman e kahit gabi-gabi akong binabangungot ng sakit kinakaya ko naman.

Rhythms and SkiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon