Twenty-eight Step

57 4 0
                                        

"Hoy, bes! Promise mo tumawag ka, ha? Ma-mimiss kita tangina mo huhu, ayoko pa umalis. Ikaw nalang kaya jowain ko? I can swing both ways naman, I don't really mind." Nakangusong pang tanong ni Dalia habang hawak-hawak ang palapulsuhan ko.

I laughed at her. "You're crazy! Masasaktan ka lang kung ako jojowain mo." 

"Kainis! Bakit kasi ang layo ng La Glance sa'min?" 

"I'll invite you some other time kapag alam mo na, ayos na. Ako pa susundo sa'yo!"

"Promise 'yan ah? Sunduin mo 'ko kasi malay ko naman sa La Glance! Shuta saan ba 'yon? Ibang planeta?" 

I hugged her but she hugged me tighter. In span of 3 days we became instant friend. Magsimula nang gabing 'yon siya na ang kasama ko mamasyal rito as Tagaytay, we share a lot of kwentos but mostly her because she can't really keep her mouth shut. 

Napakadaldal niya, our personality is so much different but I don't have a problem with that. I'm comfortable having her and her humor is really out of this world. I'm so glad I met her because I gained another friend.

Finally, a girl friend. Whom I can share same sentiments with girly things like make-ups and clothes. 

I drive myself way home at habang nag d-drive ay tinawagan ako ni Dalia. Pauwi na rin siya at gamit din ang sasakyan niya. Tawang-tawa lang ako sakanya habang kinukwento niya ang mga nakikita sa daan. Basta may masabi lang talaga 'to, magsasalita siya e.

I was smiling habang tinatahak ang gate ng Royals. Nakilala naman ako ng guard na nasa guardhouse kaya agad akong pinagbuksan. 

I never texted any of them na uuwi ako ngayong araw, especially Flyn na huli kong nakausap. Mas lalong hindi ko ginamit ang social media ko para mag-post ng updates dahil ayokong buksan ang mga 'yon. 

It was just so sudden na nakabukas ang gate like it was really meant for my car. Dineretso ko nalang sa garahe ang kotse at doon pinark. Paglabas ko palang ng pinto ng kotse ay rinig na ingay ng TV at mga boses sa loob. 

Kinuha ko lang ang mga gamit ko sa compartment ng kotse at naglakad na papasok. Pinihit ko ang pinto at niluwagan ang awang ng butas nito para makapasok ako ng maayos. 

Bukas na bukas ang TV at ang lakas ng volume nito. Nag-kalat din ang mga throw pillow sa lapag at ang gitara ni Calvin ay nakasaldal sa coffee table. Inilibot ko ang tingin ko sa paligid, kunot ang noo ko nang makitang kumpleto na naman sila sa sala.

Si Ethan nasa usual spot niya na sofa habang si Indigo ay kumakain na naman habang titig na titig sa pinapanood. Si Flyn sakop ang isang malaking sofa at ang natira ay nasa sahig na at nakahiga doon. 

Even Ruwen is here. It's so weird. 

Tinuloy ko ang pagpasok ko at hindi sadyang nabitawan ang pinto kaya lumikha ito ng maingay na tunog. Now their eyes are all on me. 

"Lac!" Flyn shouted, tumayo ito sa pagkakahiga at lumapit sa akin para kunin ang bag sa kamay ko. Pabiro ako nitong sinangga gamit ang malaking balikat niya na muntik ko ng ikatumba buti nalang at nakahawak ako sa hamba ng pinto.

Sinamaan ko siya ng tingin at tinawanan niya lang ako tsaka pa inulit ang ginawa. Sa inis ko ay sinapak ko ang balikat nito napa daing ito sa sakit.

"Lilacaine!" Sigaw ni Calvin at kumaway sa akin. Ngumiti ako ng hilaw sa kanya. 

Hinila ako ni Flyn sa sofa at pinaupo. "Tagal mo ah."

Inirapan ko ito. "Matagal 'yung tatlong araw?"

"Hoy Lilacaine Andreah!" Dinig ang boses ni Enjie sa kabilang dako, tinignan ko ito at inirapan. 

"Bakit kayo nandito?" Mataray na tanong ko.

Rhythms and SkiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon