Fifth Step

85 4 11
                                    


"Good Morning Lilac!" Masiglang bungad sakin ni Enjie habang pababa ako ng hagdan.

I wonder where this guy can get his energy early this morning? He's ball of sunshine.

It's been three days ng mag simulang lumipat dito. So far, so good. There's no problem naman about them. Madalas maingay and that's okay. I'd prefer that rather than feeling alone on this empty house.

Dumiretso ako sa kusina at nakita ko roon ang lima. Halos kakagaling lang kasi ni Enjie sa labas nakasunod na nga ito sa likod ko. Pasipol-sipol pa ito habang naglalakad. Sometimes, I found them weird but maybe it's because I'm not use to conversing with other people.

They are currently cooking. Lumapit ako sa kanila nagmumukpulan kasi sila doon. Sobrang kalat ng kitchen! Parang nadaanan ng bagyo.

Nang makalapit ako doon ay nakita kong nag d-drawing si Indigo sa frying pan. Are they making pancakes? With colors? and faces?

"What are you guys doing?" Takang tanong ko sa kanila.

Tumingin sila sakin. "Good Morning din Lilac." Ethan said at walang balak sagutin ang tanong ko.

Bumalik sila sa panonood kay Indigo mag drawing sa pan. Nakalagay kasi 'yung pancake mix sa isang container e sa pagkakatanda ko ay lalagyanan 'yon ng mga condiments.

Nakikinood din ako sa kanila. Hindi naman siya marunong mag drawing ang pangit ng kinalabas tuloy.

"Ano ba 'yan," Inis na bulong ko.

"Pancake, Lilac! Pancakes," Ruwen said with his pa-baby voice.

"Eh bakit nakalagay sa ganyan?" Turo ko sa isang hawak-hawak ni Calvin.

Humarap naman si Calvin sakin. Pinakita niya ang containers. "Nag dedesign kami kaya nandito. Cool 'no?" Sabi nito.

Kinulog-kulog niya pa ang container. Nagulat ako ng biglang bukas ang takip noon at naglagyan ng pancake mixture ang mukha ko. Kulay blue pa!

"Ugh! Calvin!" Inis na sigaw ko sakanya at pinadyak ang paa ko.

"Hala! Hala! Pucha," Mura nito habang natatarantang lumapit sakin. "Sorry Lilac," Sinserong sabi nito. Kumuha siya ng tissue at pinunas sa mukha ko. Lalo lang nagkalat!

"Ako na nga lang!" Sabi ko at pumunta sa sink para hugasan ang mukha.

"Calvin, napakabobo," Dinig kong sabi ni Enjie na medyo natatawa pa.

"Lagot ka Calvin, Nilagyan mo ng pancake ang master natin," Rinig kong pananakot ni Ruwen.

Nang matapos kong maghilamos ay humingi ako ng tissue at binigyan naman ako agad ni Calvin. Mukhang na g-guilty parin.

Lumipat ako rito at tinapik ang ang balikat niya. "It's okay, Calvin. Just be careful next time."

"Sorry talaga hindi ko naman sadya," Malungkot na sabi niya. Sobrang affected niya?

Natawa ako. "Okay lang nga."

Umupo ako sa island table at pinapanood sila. Nang iflip ni Indigo ang niluto niya ay sunog naman iyon sa likod.

"Tabi nga Indigo 'di ka naman marunong e." Flyn said at tinulak ng pabiro si Indigo.

"Ulul mo bro," Rinig kong sabi ni Indigo.

Marunong pala siyang magmura? Kala ko hanggang pananahimik lang ang kaya niya e.

I fake a coughed. Tumingin sila sakin. Tinanong ako ni Flyn kung inuubo ba ako. I rolled my eyes.

"Alam niyo magugutom lang tayo kung itutuloy niyo pa ang pagluluto niyan. Sunog naman lahat," Sabi ko at pumunta sa may cabinet.

Kumuha ako ng Limang pancit canton. Nilapag ko sa harap nila. "Ayan! Ayan ang lutuin niyo."

Rhythms and SkiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon