Malamig ang boses ni Indigo.
Tinignan ko ang cellphone ko para tignan ang oras. "10:22 PM" I said at pinakita ang oras sa kanila.
Narinig ko silang pumalatak at bumuntong hininga.
"At ngayon mo lang naisipan umuwi?" Nakataas na kilay na tanong ni Ethan.
"Kanina pa kami nag hinatay dito, Lilac!" Reklamo naman ni Ruwen.
Napatingin ako sa kanila, nakapajama na sila. Wait, hinintay nila ako?
"Who told you to wait for me ba?" I rolled my eyes and keep my phone inside my pocket.
Tinanggal ko ang sandals ko at pumasok sa loob. Sumunod naman sila. Umupo ako sa sofa na pagod na pagod, sila naman ay nakatayo sa harap ko.
Lahat sila ay naka cross arms. Ano bang problem nila? Pag ginawa ba ng isa ay gagayahin na nila?
"Saan ka ba galing, Lilac?" Kalmadong tanong ni Flyn.
"Batangas," I said at kinuha ang pillow at niyakap 'yon, gusto ng ipikit ang mata ko at matulog ulit.
"Nang ikaw lang mag-isa?" Tanong ulit nito.
"Ay hindi kasama ko kayo," Pilosopong sagot ko sa kanila and rolled my eyes afterwards.
Bumuntong hininga si Flyn sa kapilosopohan ko. Bagay nga! They interviewed me like I'm obliged to do that.
"Magpasama ka sa susunod. Hindi 'yung aalis ka ng mag-isa at uuwi ka ng dis oras ng gabi," Ethan said.
Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay iniwan niya kami rito, sumunod naman si Flyn at Indigo sakanya. Napairap nalang ako sa kanila.
Naiwan tuloy sakin ang tatlong mga ugok dito. It was like they are devided into two groups. The Mature and childish one.
Naupo sa tabi ko si Calvin sa left side naman ay si Ruwen. Si Enjie umupo sa kabilang sofa.
"Nagalit tuloy sila," Bulong ni Ruwen.
I just shrugged my shoulder. Who cares?
"Nag-paalam ako," I defend myself.
"Kahit na, hindi ka dapat umuwi ng dis-oras ng gabi. Kung gagabihin ka man dapat mag-paalam ka or text mo kami. Ano nalang sasabihin ng pamilya mo kapag umuwi sila rito tapos wala ka?" Nag-alalang sermon sakin ni Enjie. It's my first time hearing him sounds like this, so sincere. Madalas kasi ay tumatawa ito o nagbibiro o hindi naman ay pilosopo.
Is that what they think? Na may uuwing pamilya rito sa bahay at hahanapin ako?
"They won't look for me. Walang uuwi rito at walang maghahanap sakin. You don't need to worry," I said. I massaged my temples. "And please, pati ba naman kayo sesermonan ako?"
"Okay hindi na," Enjie raised his hands.
"Tigas ng ulo," Rinig kong bulong ni Calvin kaya sinamaan ko siya ng tingin.
Tumayo ako para kumuha ng makakain. Kanina pa ako kumain kaya tunaw na iyon sa tiyan ko kaya ngayon ay gutom na gutom ako. I had no choice kung hindi kumain ng tinapay dahil wala namang ibang pagkain. Akala ko ba pang two weeks ang binili namin? Wala pang one week ha!
Tinignan ko kanina ang ulam nila ayoko naman noon, gulay. Kadiri. Bumalik ako sa living at naroon parin sila't nagkukwentuhan.
"Madami bang chix sa pinuntahan mo, Lilacaine?" Curious na tanong ni Enjie. Back in his asshole self.
Ansarap naman palang ihagis kay Enjie 'tong hawak-hawak kong tinapay. Napakababaero.
"Oo, marami doon," Wika ko.

BINABASA MO ANG
Rhythms and Skies
Fiction généralefierce, an underrated boy band who creates music and lives in La Glancè. What will happen if they meet Lilacaine Andreah Samson; an orphan, and have only two remaining years to live? this story revolves more about life, passion, and friends.