Thirteenth Step

59 2 0
                                    

"Happy birthday, Tan-Tan!" Bati halos ng mga nakakasalubong namin sa daan, halos mga kakilala din ni Ethan, mga kaibigan niya na tiga rito.

Nasa labas kami para gumala. Si Lola Cita kasi ay nasa kapit-bahay nakikipag kwentuhan kaya kasa-kasama namin ngayon si Elise na nakahawak sa akin. Piyesta kaya naman maraming tao sa labas at kagaya namin ay gumagala din.

May namimigay pa nga ng mga zesto sa labas at may nagbabasaan din.

"Ganito pala 'yung piyesta dito?" Tanong ni Enjie na umiilag sa tubig na binubuhos sa kanya, wala namang kwenta 'yung pag-ilag niya dahil basang-basa na kami rito.

"Fiesta samin kainan lang tsaka laro e." Sabi ni Flyn habang humihingi ng zesto sa isang bahay. Tumingin ito sa amin. "Gusto niyo?" Tanong niya sa amin.

I gave him a weird look. "Kapag ikaw nag ka UTI kakainom ng zesto Flyn." Sabi ko rito at sinaman siya ng tingin.

"Kalma ka lang master pang pito ko palang 'to."

"Balak mo atang kunin lahat ng nadadaanan natin e."

"Syempre, sayang 'no. Tsaka hindi naman ako humihingi kusa akong binibigyan." Kung malapit lang ito sa akin ay baka nabatukan ko na siya buti nalang katabi niya si Indigo at siya ang bumatok.

"Ate Lilac, bakit ganyan si Kuya Enjie?" Tanong sakin ni Elise na nakahawak sa kamay ko at tinitignan si Enjie na kanina pa ngumingiti sa mga babaeng tumitili sa kanya.

"Ang g-gwapo!" Rinig kong tili ng mga magbabarkadang babae na nakatingin sa gawi namin.

"Hala, paapak po!" Tili na naman ng nadaanan namin.

Kinalabit nanaman ako ni Elise kaya tumingin ako rito. "Hmm?"

"Bakit po sila nagpapaapak? Hindi ba masakit 'yon?"

"Hindi ko din alam e, wag mo nalang silang pansinin. Feeling gwapo kasi mga kasama natin e."

Nakailang-irap ata ako habang naglalakad dahil sa mga kasama ko. Lalo na itong si Enjie na ang yabang maglakad porke't nagtitilian ang mga baabeng napapadaan sa kanya, ang sarap tadyakan sa tuhod e.

Nakarating kami sa peryahan na basa ang damit, ganoon din halos ang mga kasama namin dito, iilan lang ang hindi. Nakabalot pa ng plastic yelo ang mga cellphone nila buti nalang at hindi ko dinala ang akin.

"Ano 'to?" Tanong ko sa kanila habang tinitignan ang parang isang laruan na may tatlong malaking dice na nakasabit na may hinahatak sa baba naman ay may iba't-ibang kulay.

"Seryoso ka hindi mo alam 'to?" Tanong nila na parang hinuhusgahan pa ako.

"Hindi," I shook my head and pout. "I don't play this naman e."

"I don't play this naman e, conyo!" Ruwen mimicked me, sinamaan ko ito ng tingin.

"Puro kasi siya tinkerbell noon! Anong alam mo doon? Pixie dust!" Flyn teased me and acted like he's sprinkling pixies.

"Mama mo pixie." Inirapan ko ito.

"Tumataya diyan." Turo ni Indigo na nasa tabi ko. "Pipili ka ng gusto mong kulay, if the color comes out on the top on the dice then you won."

"Kapag hindi?" Curious na tanong ko, gustong malaman kung paano nga ba laruin.

"Talo ka, sakanila pera mo."

Nang maintindihan ko ang rules ng laro ay sinubukan ko ito, masaya pala siya kahit nauubos ang pera dahil natatalo. Unang kong nilaro ang color game pagkatapos ay lumipat kami sa kabila kung saan magtatapon ka ng barya at susubukang kunin ang gamit o halaga ng pera. Nakakuha si Ethan ng isang pirasong baso!

Rhythms and SkiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon