Thirty-eight Step

72 4 0
                                    

"Lilacaine!" Tumakbo papalit sa akin si Dalia habang nagtititili. I smiled back at her and gave her a tight hug we haven't share for months. "Namiss kita!" Aniya at niyugyog ako, napatawa tuloy ako sa kanya.

"I miss you too! God, buti hindi ka busy!" I fixed my hair na nagkagulo sa sobrang likot naming dalawa.

"Of course! Paano ako magiging busy e wala namang akong trabaho ngayon? Tamang ganda muna ang ambag sa buhay."

I chuckled. "What do you mean? day off mo?" I asked while I clung my arms onto hers as we navigate our way inside the mall.

"Hindi, gaga! Nag-resign ako, 'di ko na keri sa company ko 'no! Ay basta, kwento ko sa'yo mamaya, cr muna tayo?"

Pagkatapos naming dumaan sa comfort room ay dumeretso kami sa restaurant na pinareserve ko kahapon pa. It's just a simple steakhouse with a calming ambiance.

"Let me raise a toast, to the girl I love the most..." She's even giggling habang binubuhusan ng wine ang baso namin at tsaka itinaas 'yon. I look at her with a cringey face habang siya ay nagpipigil ng tawa. "Me, I love me the most." She then simped on her wine.

"Ikaw, napaghahalataan kang hindi nag titiktok." Sabi niya sa akin. "Uy, grabe! Naalala mo sa wine tayo unang nagkakilala?"

Natawa ako at tumango-tango. "Please, the second hand embrrassment! Grabe ka, you were so loud noon gusto ko nalang magtago doon sa likod ng halaman."

"Beh, wag kang mag-alala kapag naalala ko gusto ko nalang din tumalon doon sa taal lake." She's now having a mental breakdown, sabay nalang namin tinawanan 'yon.

We are now sa upper part ng mall kung saan open area, pumwesto lang kami sa wala gaanong tao para makapagkwentuhan pa kami ng walang abala. Sa ilang buwan ata naming hindi nagkita ay tambak na ang mga kwentong hindi namin nasabi sa isa't-isa.

It's actually feels great, to have someone I can talk with my girly stuff. It's nice to have a girl friend, hindi marami pero kahit isa lang ay sapat na, Dalia's more than enough. I'm just so glad I met her.

"Ayun nga 'diba! Nag resign ako sa work ko. Hulaan mo muna kung bakit."

"Mukha ba 'kong manghuhula?" Inirapan ko siya.

"Hula lang e, damot!" She said. "So eto na nga, e kasi naalala mo 'yung ex ko? Tsaka mga friends niya na ex-friends ko. E 'yong mga iyon naging magkakaibigan lang naman kami noong college dahil blockmate ko sila, same course kami e. Hindi naman required maging kaibigan mga blockmates pero ewan ko ba din sa'kin. Medyo alam mo na, colorblind pa kasi noong college."

"What course did you take ba?"

"BS Journalism." She responded. "Tapos sa previous job ko, ayos naman talaga e kaso umepal sila, biglang pumasok din sa company na 'yon. Okay naman sana kung 'yong dating friends ko lang e, keri naman. E kaso shutangina beh, sinama 'yong ex ko! Malala pa kasama din nila 'yong new girl na chineat sa akin."

"Sabi ko professional dapat kaso namemersonal sila sa work. Sobrang toxic akala mo naman ako pa may kasalanan e sila may ginawang mali sa'kin. Ako pa pinapahirapan sa trabaho ko, kaya ayun, umalis nalang ako." Nakanguso ito habang nagkwekwento at nilalamon ang ice cream na binili namin.

"If it's too toxic it's okay to leave naman. Good for you. Siguro tanga tanga ka nalang kung makikipagkaibigan ka nalang ulit sa kanila."

"Never na 'no! Okay lang kahit wala na 'kong kaibigan sa lugar namin. Tsaka narealized ko lang na may ganoong tao pala talaga ano? Mga kinulang sa aruga." Sabay kaming napatawa sa sinambit niya.

"Teh, amputla mo. Did you see a ghost?" Tumawa na naman itong mag-isa. "Dito ka nga lagyan kitang lipstick! May bago akong bili kahapon, bigay ko nalang sa'yo." She wiggled her brows at siya nalang ang lumapit sa akin dala-dala ang lipstick na sinasabi niya.

Rhythms and SkiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon