Twenty-fourth Step

47 4 0
                                    

Gulat din itong nakatingin sa akin.

"Anong ginagawa mo dito?" Magkasabay pa naming tanong.

Natawa ako ng bahagya at tumayo ng tuwid. Nang maipasok ko ng maayos ang gamot sa bag ko ay nakita ko parin itong nakatingin sa akin na tila ba naghihintay din sagot ko.

Tinuro ko ang pharmacy. "I bought vitamins." Pagsisinungaling ko. Tinuro ko naman siya.  "Ikaw? Nakauwi na pala kayo hindi niyo man lang sinabi sa akin!" Pag-iiba ko sa usapan.

"Ako hindi pa, hindi ako dumiretso sa bahay."

"Anong ginawa mo pala dito?" Ginala ko ang tingin ko sa lugar, medyo mainit pa dahil tanghaling tapat.

Kulang pa ang silungan sa lugar na ito. Medyo malayo kasi ito sa La Glance, iba sa nakasanayan namin. The fact that the sun is too bright hurts my eye, medyo napapapikit pa ako. Nagpunta si Flyn sa harap ko para harangan ang sinag ng araw sa akin.

"May bibilhin lang ako sa loob, sama ka?"

Pumayag ako kaya hinatak na ako nito sa loob, pumila lang siya sandali habang nagtitingin ako rito. Nang makabalik siya ay may dala-dala na itong supot, bago pa ako makapagtanong ay hinigit niya pa ako palabas.

Mukhang nagmamadali kasi ito.

"Hey, wait lang! Iyong car ko!"

Lumingon ito sandali parang hinahanap. Nang makita niya ang kotse ko na naka-park sa gilid ng drug store ay hinayaan niya lang iyon at hawak parin ako sa paglalakad niya. Flyn is a tall guy and have a longer legs than mine kaya ang isang hakbang niya ay tatlo sa akin!

"Wag na, safe naman 'yan diyan. Maglakad nalang tayo."

Habang naglalakad kami sa pasikot-sikot na daan dito ay iginagala ko ang mga mata ko. Hindi naman maikakaila ang ganda rito sa Volonte, tatlong bayan bago ang La Glance. It's just that Volonte feels like you are in Classical Period, away from the modernization of La Glance.

Volonte, Glamorosa, La Glance, these municipalities have their own standard and unique beauty. It's shines on their own.

Pumihit kami pakaliwa kung saan makikita ang mga bahay, hindi ito mga kalakihan pero hindi maitatanggi ang ganda rito. Marami ring taong nasa kanto at mga batang naglalaro kagaya ng tumbang preso at chinese garter kahit tanghaling tapat.

Tumigil kami sa hindi kalakihang bahay but the house is still attractive. Kulay puti na may halong mala kahoy ang disenyo.

"Samin 'to." Aniya at nakatingin lang sa harap, bumuntong hininga siya bago buksan ang gate. "Tara, pasok ka."

"Magulo sa loob, hindi magandang tignan." Paalala niya.

Tumingin ako sa loob mula rito, wala naman akong makita dahil sarado ang pintuan.

"Wag kang magugulat kung anong makita mo sa loob."

He talks like there's a monster inside their house.

"Ayos lang naman..." Mahinang bulong ko.

It is the first time that one of my friends brought me to their house, mukhang wala naman ibang tao dahil tahimik ang lugar.

Nang nasa harap na kami ng pintuan ay humarap siya ulit sa akin. "Hindi pa ako nakapaglinis."

"It's fine, Flyn."

Nang buksan niya ang pinto ay hindi ko parin maiwasang hindi magulat sa loob pero hindi ko pinahalata, nakatingin lang ako sa loob ng bahay nila.

He's not lying, magulo nga ito.

Rhythms and SkiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon