Seventeenth Step

44 5 1
                                    

Sa pangatlong araw ng music festival ay hindi ako nakasama dahil masama ang pakiramdam ko. Hinaplos ko ang dibdib ko dinaramdam kung gaano ito kabilis, rinig na rinig ito ilang minuto ng ganito kabilis at minsan naman ay humihina ito, sobrang hina na hindi ko na maramdaman ang katawan ko.

Iniwanan ako ng gamot ni Ethan sa may mesa, akala nila tinatrangkaso ako kaya binigyan nila ako ng biogesic. Bago sila umalis ay sinugurado muna nilang ayos ako. Ayaw na nga nilang tumuloy kung hindi ko lang sila pinilit at sinabing ayos lang ako. 

I clenched my fist and and held my chest, I cried in grimace. Nanlalambot akong tumayo at muntik ng matumba dahil sa hilo buti nalang at nakahawak ako gilid ng kama, pinilit ko paring tumayo at kuhanin ang bag ko sa may gilid kung nasaan ang mga gamot na iniinom ko kapag sinusumpong ang sakit ko. Ininom ko ang gamot ko ng nanginginig ang kamay, hindi mahawakan ng maayos ang baso ng tubig dahilan para mabasag ito sa sahig. 

Hinayaan ko nalang ito kahit pati ang pajama ko ay nabasa narin dahil sa tubig. Binagsak ko ang katawan ko sa kama at pumikit ng mariin, niyakap ang unan at hinawakan ng mahigpit, tinitiis ang sakit. 

Nakatulog ako ng tiniis ang sakit, nagising ako na may konting ingay sa paligid ko. Pinili kong wag imulat ang mata ko at pakinggan lang ang boses sa paligid ko.

"Shh." Rinig kong pagbabawal nila.

"Inaantok na 'ko." Si Flyn, napangiti ako. Ano bang bago?

"Matulog ka na." Sabi naman ni Ethan sa kanya.

"Ayoko muna."

"Ewan ko sa'yo, ang gulo mo." Sagot naman ni Ethan.

"Hihintayin kong magising si Lilac, kakain kami sa labas usapan namin e."

Ah, tama! Sabi ko nga pala sa kanya sasamahan ko siyang mamasyal pagkatapos ng gig nila.

"May sakit nga tapos aalis kayo? Baka bukas na 'to magising." Ramdam kong umahon ang kama tanda na umalis na siya sa pagkakaupo sa tabi ko.

Ilang segundong naging tahimik, rinig pa sa labas ang boses ni Ethan na matulog na daw sila dahil pagod sa gig.

"Pshh," I imagined Flyn face na nakanguso, nagtatampo. "Duga nito, hoy gising." Sabi niya pero sa mababang boses lang.

Tinanggal ko ang unan sa mukha ko at tumawa, tinignan si Flyn na nakanguso at mukhang nagtatampo. Kumunot ang noo nito at tinanong, "Kanina kapa gising?"

Tinawanan ko lang siya at bumangon na sa kama, naghilamos at naglagay lang ako ng kaonting liptint para matanggal ang putla ko. Rinig ko parin siya sa labas na pinauulanan ako ng tanong. Dati naman ay hindi ito masyadong madaldal.

Kinuha ko lang ang gray jacket ko at pinatong iyon, hindi na rin ako nag-abalang magpalit ng pajama dahil paniguradong malamig sa labas ng ganitong oras.

"Wala ka ng lagnat?" Tanong niya sa akin habang naglalakad kami palabas ng hotel.

"Wala na." Sagot ko at niyakap ang sarili ko sa lamig, magmamdaling araw na pero marami paring nasa labas. Baka mga kagaya namin, namamasyal din.

Pero kung iisipin ay hindi naman talaga kami naparito para mamasyal, nandito kami para mag trabaho pero kahit ganoon masaya parin.

"Are you guys happy?" Tanong ko, hindi nakatingin sa kanya kundi sa mga taong dumadaan din kagaya namin ng may ngiti sa mukha. 

"Kami?" Paninigurado niya. Tumingin ako sandali sa kanya at marahang tumango at kaagad din inalis ang tingin sa kanya. "Saan? Ngayon?"

"Sa ginagawa niyo, sa napili niyo." 

Rhythms and SkiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon