Twenty-second Step

64 4 0
                                        

"Pancake mix, eggs, mapple syrup, sugar, zesto mango flavor, stick-o, chocola—," napatigil ako sa pagbabasa."What the hell are these?" Kunot ang noo ko habang binabasa ang list ng mga groceries na kailangan dapat namin.

Do we really need these?

"Asan patingin nga," Inagaw sa akin ni Ethan ang papel habang hawak sa isang kamay ang grocery cart. Bigla din kumunot ang noo nito habang nagbabasa. "Sinong pinagsulat mo?"

"What? Turn ni Ruwen ngayon!"

Umiling ito. "Kaya naman pala ganito e."

Napatango nalang din ako. "Right."

In all the things that Ruwen can do, one of the things we don't trust in him is listing the groceries. Hindi naman kasi niya tinitignan ang mga kulang sa groceries namin, kung ano lang maisip niyang kainin ay iyon lang ang isusulat niya. Sobrang lutang ko lang ata kanina na pinagsulat ko siya. My fault.

"Tago mo na nga 'yan tayo nalang kukuha," Sabi ko sakanya at nagsimula ng maglakad sa super market.

In-una naming kuhanin ang mga kailangan talaga kagaya nalang ng karne para sa mga ulam, vegetable and fruits for our health. Pagkatapos ay mga condiments na ubos na sa bahay. Hindi rin pwedeng kalimutan ang mga shower necessities like shampoo, conditioner, soap, shower gel.

"Busy ba sched niyo this month?" Tanong ko kay Ethan na nasa tabi ko at tinitignan ang mga expiration dates ng mga gatas. "Tinitignan mo kung expired na?"

"Nope," He said popping the letter p. "Kunin ko lang 'yung mga malapit ng mag-expired. Hindi naman 'to ma stuck sa atin, baka nga isang gabi lang ubos na 'to."

He paid for our groceries. Dala-dala pa rin namin ang cart ang kaibahan lang ngayon ay naka box na ang mga pinamili namin. Hatak-hatak namin iyon hanggang sa parking lot.

"May tour lang kami for one week this month. Maybe around second week of the month, tapos photoshoot sa isang brand this week. Si Flyn may sariling endorsement ata bukas." Kwento nito sa akin habang nilalagay namin sa trunk ng kotse ang mga groceries.

"Wow, famous!" I joked.

"Baka uuwi ako sa amin this week."

"Yeah, I've heard nga kina Calvin. Too bad we can't join na miss ko na kapatid mo." I pouted.

Tumawa ito. "Mas kapatid ka pa nga noon sa akin. Ka video-call  mo halos araw-araw."

"Inggit ka naman? Sorry but Elise loves me more than you." Tumawa pa ako habang inaasar siya. Umiling pa ito sa akin at pinitik ang noo ko.

"Ethan?"

Sabay kaming napalingon sa boses na tumawag sa kanya. Binagsak ko naman ang pinakahuling box sa trunk bago ito sinarado. Kunot ang noo ko habang tinitignan ang matangkad na babae sa harap namin.

Kulot ang buhok nito na kulay brunette. She's wearing skirt and fitted red long sleeve with heart shape chest. She's also wearing a pearl necklace and shades on her head, paired with black stiletto.

"Done checking me out?" Napatingin ako sakanya habang tinitignan ako nito with her brows arched and her arrogant smirk.

Mas tinaasan ko naman siya ng kilay. "Yeah, boring." Mahinang bulong ko.

Tumawa ito at umirap. Tumingin siya kay Ethan. "Hey Ethan, how are you? We haven't seen each other for so long 'no?" 

Kalmado lang si Ethan sa tabi ko, I tried to remember her voice, it sounded familiar but my brain couldn't remember where did I heard it. "Let's keep it that way, Katie."

Rhythms and SkiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon