Patawa-tawa pa kaming dalawang naglalakad dito sa loob ng subdivision para makauwi. Dis-oras na nang gabi ng maisipan namin umalis na sa may West Bay. His arms are resting on my shoulder.
I didn't ask further about how come he knows that endearment. He let me cry on his chest silently. Hinayaan ko din tanggalin sa isip ko na baka mainis ito sa akin dahil palagi nalang akong umiiyak.
It's because he's Indigo and with Indigo I'm safe to be me. He's the type of friend na chill lang, silent isn't even awkward when you're with him.
Kahit ata magpunta kami sa horror house kapag kasama si Indigo, panatag pa rin ang mararamdaman mo. Kapag kasama ko si Indigo feeling ko nahahawaan niya ako ng pagkakalmado niya, it feels like napakakalmado ko na rin tao.
"It's Emerald Bay of West, right? Don't know why we keep saying west bay instead." Saad ko habang tinatahak namin ang daan pauwi.
"Emerald Bay of West is mouthful West Bay is much easier."
My forehead creased when I saw the gate wide open. Naalala ko na sinara namin iyon kanina, hinintay ko pa nga na masara ng maayos ni Indigo.
"May lumabas ba? Those fuckers didn't even bother to close the door." Sabi ni Indigo pero kalmado parin ang boses, how can he do that?
Kaya nang makapasok kami ay kami na rin ang nagsara.
"Si Seven baka nakalabas!" I hissed.
Nakakapagtataka na ang liwanag sa may living room kahit na pinatay iyon kanina. Kanina rin ay sigurado akong sinabi nila na magpapahinga sila at walang balak gumala sa gabi. Kaming dalawa lang ni Indigo ang lumabas.
Papasok palang kami sa porch ay rinig na ang ingay sa loob na pinagtakahan ko kaya binilisan ko ang paglakad. Kanina ay nasa likod ko lang si Indigo ngunit ngayon ay inunahan niya ako sa pagbukas ng pinto.
Pagbukas na pagbukas ng pinto ay agad nanlaki ang mata ko sa nakita. Indigo immediately rushed into them para pigilan pero tinaboy lang ito gamit ang malaking kamay.
Napatakip ako ng bibig nang bigyan ng isang malaking suntok ni Enjie si Ruwen na nakapaibaba sa kanya hawak-hawak nito ang kwelyo niya at halata sa mukha ang galit niya. Sa lakas ng suntok nito ay napangiwi si Ruwen ngunit parang hindi niya iyon ininda at sinamaan lang ng tingin si Enjie.
Sina Calvin at Flyn ay hindi maipinta ang mukha na nakatayo sa isang gilid nakahalukipkip. Si Ethan ang nasa tabi ni Enjie na pilit niya itong tinatanggal sa pagkakadagan kay Ruwen.
"Umalis ka," Malamig na banta ni Ruwen na hindi pinakinggan ni Enjie.
Aaksyon palang ulit ng suntok si Enjie ng buong pwersa niya itong tinulak gamit ang dalawang kamay dahilan para matumba si Enjie, inalalayan naman siya ni Ethan. Hindi ko alam kung saan ako titingin, palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang lahat at naguguluhan sa nangyayari.
Para akong naestatwa sa harap ng pinto. Dinig din ang tahol ni Seven pero walang nakakapansin.
Walang emosyong tumayo si Ruwen at pinagpagan ang damit niya. Tinaasan niya ng kilay si Enjie habang pinupunasan ang labi niyang nagdugo.
"Iyon lang kaya mo? Hina mo naman," Sarkastikong pambabara ni Ruwen.
His words trigger Enjie once again, lalapit sana ito ng pigilan siya ulit ni Ethan. Si Indigo ay nakatayo sa harap nila na walang kamalay-malay kung anong nangyayari. Kahit ako ay walang ka-alam alam! Pag-uwi namin dito ay may suntukan ng nagaganap.
"Aalis ka? Edi putangina mo umalis ka!" Galit na galit sigaw ni Enjie kay Ruwen. "Tutal diyan ka magaling diba?"
"Anong aalis? Sinong aalis?" Indigo asked because he's the oblivious one.
![](https://img.wattpad.com/cover/219956575-288-k259774.jpg)
BINABASA MO ANG
Rhythms and Skies
General Fictionfierce, an underrated boy band who creates music and lives in La Glancè. What will happen if they meet Lilacaine Andreah Samson; an orphan, and have only two remaining years to live? this story revolves more about life, passion, and friends.