Chapter 35

27 2 2
                                    

Abala ang lahat ngayong December 24 para sa Noche Buena mamaya. Masaya ang lahat, pero kung ano man ang malungkot sa araw na 'to, may klase pa rin kami ngayon at may pasok sa trabaho mamaya.

Hindi nasanay ang katawan ko na magkaroon ng klase kahit pasko, hindi naman ganito sa Pilipinas, kaya sobrang naninibago ako.

Kahit anong okasyon o pagdiriwang pa ang maganap dito sa Japan, tuloy pa rin sa trabaho ang mga tao. Nanghihinayang kasi sila sa kikitain o sasahurin nila kaya mas pinipili nalang nilang magtrabaho kesa magpahinga o makasama ang pamilya sa bahay.

"Ja mata ne," tanging ngiti at kaway ang sinagot ko kay Aiyumi nang magpaalam ito.

"Tara na." mabilis akong bumaba ng hagdan at sumunod kay Akihiro.

Parang normal na araw lang ang pasko dito sa Japan. May mga nagmamadaling tao papasok ng tren, may mga natataranta mag-bisikleta at may mga taong tulog at ginawang pahingahan ang tren.

"Nanibago ka 'no?" tumango ako kay Aki nang hindi lumilingon dahil nakapako lang ang tingin ko sa mga taong tulog dito sa loob ng tren. "Hindi ko maintindihan kung bakit umiiyak si Seiko nung pumunta kami dito sa Japan. Gusto n'yang bumalik ng Pinas at ayaw n'ya dito," mahinang natawa si Aki, "Iyon pala kaya mas gusto n'ya sa Pinas, marami daw bakasyon doon kesa dito. Mangangaroling pag sumapit ang December 16 at malaki ang kita kapag December 24 na. Tapos mas lalaki pa daw ang pera pag nag December 25 na." matapos magsalita ay tumayo na ito at dire-diretsong lumabas ng tren. Agad agad naman akong sumunod dito. Ano ba 'yan, di man lang nagsabi na lalabas na kami.

"Ganoon din kami non nung mga bata kami. Sasama ako sa mga kaibigan ko na mangaroling tapos nakakaipon ako non ng 60 pesos sa isang araw, medyo lamang ako ng dos non kasi boses ko ang pinakamalakas at pinakamaganda," taas noo kong banggit habang naglalakad papuntang Waseda.

Inilagay nito ang kamay n'ya sa mga bulsa bago magsalita, "Ang hambog naman hahaha!"

Ngumuso ako, "Oy hindi ah, nagiging honest lang ako! Pagdating ng December 24 nakaka-300 ako non! Kaya nung nagbilangan na nung December 25, naka-500 plus ako."

"Ano namang regalo ang binili mo sa 500 mo?" saad nito, diretso lang ang tingin.

"Binigay ko kay Mama lahat tapos pinambili namin ulam at bigas," ang masaya kong imahinasyon kanina ay napalitan ng lungkot.  "Kesa bumili nalang ng spaghetti o pancit, mas pinili nalang namin na bumili ng bigas at tuyo para kumasya sa isang linggo yung 500 pesos," anumang oras ay babagsak na ang luha ko. Mabuti na lamang at nakaya ko pang pigilan.

"Dito na ako. Ingat ka ah," huminto ako at kumaway kay Akihiro. Inangat naman nito ang kamay n'ya habang naglalakad papunta sa building nila.

Nang mawala na sa paningin ko si Akihiro ay kinuha ko ang cellphone ko ay nag-chat kay Mama. Habang abala sa paglalakad ay nabigla ako nang biglang may umakbay sa balikat ko. "Meri Kurisumasu!" sigaw ni Yuko. (Translation: Merry Christmas.)

"Meri Kurisumasu!" masayang tugon ko.

"Inuman na ba?" maangas na tanong nito habang nakaakbay sa akin.

"A-ahh, hahaha," naiilang kong tawa, "Hindi muna ako, bawal na e." sagot ko gamit ang lengwahe nila.

"Sayang naman," nakanguso nitong tugon habang nag-aayos ng gamit n'ya sa upuan. "Pero! Wait, wait, wait!" pinagmasdan ko si Yuko habang nay dinudukot sa bag n'ya habang nakatayo ito. "Tada!" napangiti ako sa inabot n'yang maliit na box sa'kin, "Meri Kurisumasu, Arikusisu!" ulit nito malapit mismo sa mukha ko.

Binuksan ko ito at nanlaki ang mata ko nang makita ang Mikimoto na sulat sa box.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Still YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon